Makasaysayang Lugar Sa Pilipinas (Ano Ang Mga Ito?)

Ano ang mga makasaysayang lugar sa Pilipinas? Alamin!

MAKASAYSAYANG LUGAR SA PILIPINAS – Mga tanyag at mga makasaysayang pook na makikita sa Pilipinas. Alamin dito!

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na nasakop ng mga dayuhan sa mahabang panahon. At sa panahon ng mga pananakop na ito, maraming mga lugar at establisyemento na naipatayo na may makasaysayang mga kwento at valyu.

Ito ang ang mga pook na may kwento sa ating kasaysayan. Ito ang tulay sa pagitan ng panahon noon sa panahon ngayon.

Ano ang mga pook na ito?

Makasaysayang Lugar Sa Pilipinas
  1. Barasoain Church
    Isang simbahang Romano Katoliko na testigo sa pagbuo ng demokrasya ng bansa at dito rin naganap ang unang pagtitipon ng Unang Kongreso Ng Pilipinas.
  2. Biak Na Bato sa San Miguel, Bulacan
    Ito ang pook kung saan nagkikita ang mga Katipunero.
  3. Corregidor
    Ito ay nagsilbing kuta ng mga sundalong Pilipino at Amerikano bago tuluyang sumuko sa mga Hapon.
  4. Fort Santiago
    Isang kuta ng mga Espanyol at lugar kung saan ikinulong si Jose Rizal. Nagsilbing libingan din ito ng mga sundalo at gerilyang Pilipino noong panahon ng mga Hapon.
  5. Magellan’s Cross sa Cebu
    Ang krus na itinayo ni Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521.
  6. Rizal Park
    Ito ay tinatawag ding Bagumbayan at ito ang lugar kung saan si Rizal ay hinatulan ng kamatayan noong December 30, 1896.
  7. Aguinaldo Shrine
    Ito ang tahanan ng unang pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo at dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
  8. Intramuros
    Iskang lugar sa Pilipinas na may malagin ay makasaysayan na nakaraan. Ito angl ugar na hinagupit ng giyera noong World War 2.
  9. Dapitan
    Dito ipinatapon si Rizal dahil sa lumalakas na paghihimagsik ng mga Pilipino bunsod ng kanyang propaganda.
  10. EDSA
    Dito naganap ang tinaguriang “Bloodless Revolution” laban sa diktador na si Ferdinand Marcos.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment