Ano Ang Pamahalaang Sultanato? (Alamin Ang Uri Ng Pamahalaan Na Ito)

ANO ANG PAMAHALAANG SULTANATO – Si Abu Bakr ang unang sultan ng Sulu at ito ang mga detalye tungkol sa pamahalaan sultanato.

Ang pagtatag ng sultanato ay kasabay ng paglaganap ng relihiyong Islam. Sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya ay may malawak na tungkulin. Alamin at pag-aralan ang uri na ito.

Pamahalaang Sultanato – Ano Ang Pamahalaang Sultanato Sa Pilipinas?

Ano ang pamahalaang sultanato? Alamin at pag-aralan dito?

PAMAHALAANG SULTANATO – Ang Sultanato ay isang uri ng pamahalaan na itinayo sa Mindanao kung saan ang nasasakupan nito ay mas malaki sa barangay.

Bago pa dumating ang mga Muslim sa Mindanao, ang pamamahala noon ay pinamumunuan ng isang datu o raha. Ito ang namumuno ng isang banwa. Si Abu Bakr ay dumating sa Sulu mula sa Sumatra noong 1450 at nagpakasal kay Paramisuli, anak ni Raha Baginda.

At nang mamatay si Raha Baginda, ang humalili sa kanya ay si Abu Bakr at sa kanyang pamumuno, nabuo ang pagkakaisa ng mga banwaat dito nabuo ang sultanato.

Ang kalipunan na ito ay pinamamahalaan ng isang sultan.

Pamahalaang Sultanato

Ang sultan ang punong tagapagpaganap, hukom, taga-pagbalangkas ng mga batas, at
pinuno ng mga mandirigma.

Dahil sa lawak ng kanyang sinasakop, ang mga sumusunod ay ang mga katuwang ng sultan sa pamamahala:

  • Kadi
    Siya ang nagpapaliwanag ng mga sulat sa Koran at sinisigurado niya na ang mga batas ay hindi labag sa aral ng Islam.
  • Ulama
    Siya ang tagapayo ng isang sultan tungkol sa relihiyon.
  • Panglima
    Sila ang mga nagpapatupad ng mga batas at may kapangyarihan na maningil ng buwis.
  • Pandita
    Ang tagapayong-panrelihiyon ng Panglima.
  • Imam
    Siya ang tumutulong sa pandita sa pangangasiwa ng mga distrito.

Ang sultanato ay timagal ng limang dantaon kung saan ang mga pangkat-etniko na Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao ay napag-isa. Ang mga lugar tulad ng Tawi-tawi, Basilan, dulong timog ng Zamboanga, Palawan, at Sabah ay nasa ilalim din ng pangangasiwa ng isang sultan.

At dahil sa ganitong uri ng pamahalaan, lumaganap ang relihiyong Islam.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment