Mga Gawaing Kristiyanismo – Ano Ang Mga Gawain Ng Isang Kristiyano?

Ano ang mga gawaing Kristiyanismo? Ito ang kasagutan!

MGA GAWAING KRISTIYANISMO – Ang Kristiyanismo ang pinakamalaki na relihiyon sa buong mundo at ito ang mga gawain ng isang Kristiyano.

Ang relihiyong Kristiyanismo ay ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong mundo. Ito ay batay sa buhay at turo ni Kristo – ang tagapagligtas na ipinadala para maligtas ang sanlibutan.

Bilyon ang kasapi ng relihiyon na ito.

Pinaniniwalaan na ang tagapagtatag ng Kristiyanismo na si Hesus. Ito ay nagsimula sa Herusalem tungo sa mga lugar gaya ng Syria, Assyria, Mesopotamia, Phoenicia, Asia Minor, Jordan at Ehipto.

Mga Gawaing Kristiyanismo

Ang ilan sa mga gawaing Kristiyanismo ay:

  • Pagbibinyag
  • Pangungumpisal
  • Pagsamba
  • Pagbasa ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng libro na Bibliya
  • Pagsasabuhay at pagsunod sa mga utos ng Diyos
  • Hindi gumagawa ng kasalanan
  • Isinasaisip at isinasapuso ang mga utos
  • Pagsimba tuwing araw ng Linggo at pista ng pangilin
  • Pagdarasal araw-araw  
  • Humihingi ng tulong at gabay sa paggawa ng kabutihan sa kapwa
  • Paghingi ng tawad at kapatawaran sa mga kasalanang nagawa
  • Pagpapasalamat sa mga biyaya
  • May pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
  • Sinusunod ang sampung (10) utos ng Panginoon

Ilan sa mga turo ng relihiyong ito ay  nag-iisang Diyos ang Ama ng sangkatauhan. Lahat ng tao ay mga magkakapatid at nasulat sa Bibliya na “Mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat.” at “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”  

Si Kristo ang  tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ang mga tao ay naniniwala sa Tatlong Persona: ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.

Ang Latin na krus ay ang simbolo opisyal ng Simbahang Katoliko.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment