Sistemang Encomienda – Ano Ang Sistemang Encomienda?

Alamin kung ano ang sistemang encomienda, isang polisiyang pang-ekonomiya.

SISTEMANG ENCOMIENDA – Ang pagsingil ng buwis sa mga tao o mamamayan ay isang sistemang encomienda. Alamin ang ibang mga detalye.

Ano ang sistemang encomienda?

Nanag masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, maraming pagbabago ang naganap at isa na dito ay ang pagsingil ng buwis mula sa mga mamamayan. Ito ang tinatawag ng isang sistema ng encomienda.

Ito ay isang pagbabago na ipinatupad ng mga mananakop upang matustusan ang kanilang pananatili dito sa bansa. At dahil na rin diumano sa malaking gastusin nila para sa pagtatag ng pamahalaan sa bansa.

Sistemang Encomienda

Ang mga buwis na ito ay ginagamit para sa sandatahang lakas, gastusin, ekspedisyon, at pension sa kasundaluhan ng mga banyaga. Ito ay isang batas na ipinatupad noong 1571.

May mga layunin kung bakit ito ipinatupad at ilan sa mga ito ay organisahin ang kolonya at turuan ng doktrinang Katoliko ang mga katutubo. Subalit nang lumaon, ito at naging ugat kasamaan at pang-aabuso. Nasamsam din ang lupain ng mga katutubo at nagresulta ng pang-aalipin.

Ang buwis na nanggagaling sa mga katutubo ay nasa anyo ng mga metal, mais, trigo, karne ng baboy o ibang produktong pang-agrikultura. Noong Hunyo 11, 1594, isang batas ang pinagtibay ni Haring Felipe II ng Espanya para matatag ang encomienda sa Pilipinas.

  • Encomendero – tawag sa namamahala ng mga lupain
  • Encomienda – mga lupang bigay ng hari sa mga enkomendero

Ang mga principalia ay hindi kasama sa pagbabayad ng tributo. Ang principalia ay mga taong may mataas na posisyon sa lipunan sa panahon ng mga Espanyol.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment