Mitolohiyang Pilipino – Halimbawa Ng Mitolohiya Sa Pilipinas

MITOLOHIYANG PILIPINO – Magbigay ng mga halimbawa ng mga kwento at nilalang na mitolohikal na nagmula sa Pilipinas.

Likas sa mga kwentong mitolohikal ang kultura ng mga Pilipino at marahil ay dahil na rin ito sa ating mga paniniwala at mga kasabihan. Ang mga kwentong mitolohikal ay binubuo ng mga hayop, mga mahiwagang nilalang, at mga diwata. Alamin ang ilang mga halimbawa!

Mitolohiya Sa Pilipinas – 10 Halimbawa Ng Mitolohiya Sa Pilipinas

10+ Halimbawa Ng Mitolohiya Sa Pilipinas

MITOLOHIYA SA PILIPINAS – Ang mga mitolohiyang Pilipino ay mga paniniwala na mula sa panahon bago pa dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo.

Mitolohiya Sa Pilipinas - 10 Halimbawa Ng Mitolohiya Sa Pilipinas
Image from: Allen Michael Geneta | Pinterest

Sa Pilipinong Mitolohiya, si Bathala ay tinuturing bilang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig.

Ilan sa mga Mitolohiya sa Pilipinas ay ang:

  • Aswang
  • Diwata
  • Duwende
  • Engkanto
  • Juan Tamad
  • Malakas at Maganda
  • Mambabarang
  • Mananggal
  • Mankukulam
  • Mariang Makiling
  • Nuno Sa Punso

Ang mga naka-lista sa itaas ay halimbawa ng mga Mitikal na nilalang. Sila ang mga tauhan na pinaniniwalaang may kakaibang kapangyarihan.

Meron ring mga Maalamat o Mitikal na mga hayop ang Pilipinas:

  • Bakunawa
  • Ekek
  • Kapre
  • Manaul
  • Sarimanok
  • Sigbin
  • Sirena
  • Siyokoy
  • Tikbalang
  • Tiyanak

Ngunit, sa Pilipinas, merong apat na nilalang ang nangigibabaw. Sila ay sina Bathala, Bakunawa, Kan-Laon, at Mangindusa.

Si Bathala ang diyos ng paglikha. Samantala, si Kan-Laon naman ay ang diyos ng mga sinaunang mga Bisaya. Ang Bakunawa naman ay isang dragon na kadalasang kinakatawan bilang isang malahiganteng serpyenteng pang-dagat.

Mitolohiya Sa Pilipinas - 10 Halimbawa Ng Mitolohiya Sa Pilipinas
Image from: Mythlogy and Folklore | Vincent Bacalso

Tuwing may eklipse, ang Bakunawa ang pinaniniwalaang sanhi nito. Sa mitolohiya, ang bakunawa ang diwata o diyosa na tagapag bantay sa Sulad.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: Buod Ng Alamat Ng Mansanas – Tungkol Sa Alamat Nitong Prutas

Leave a Comment