Buod Ng Alamat Ng Mansanas – Tungkol Sa Alamat Nitong Prutas

Buod Ng Alamat Ng Mansanas – Tungkol Sa Alamat Nitong Prutas

ALAMAT NG MANSANAS – Sa paksang ito, ating babasahin at tutuklasin ang buong buod tungkol sa alamat ng mansanas.

ALAMAT NG MANSANAS
Image from: Amazon

Ang buod ng alamat na ito ay galing sa isang WordPress na website na Kdeleon15. Narito ang sumusunod na buod:

Isang araw, may isang tao na may kakaibang dugo. Ang dugo niya ay nakakapagaling ng mga sakit ng tao. Dahil dito, naging mangagamot siya na naglilibre na mangagamot. Siya ay si Mang Sanas.

Isang araw, sa isang bahay-aliwan, may isang lasingero na si Nam Atay na sinuntok si Lorando. Sa galit ay nagsuntukan sila. Habang nag-aaway sila, bumunot ng baril si Lorando at binaril si Nam. Umalis siya na akala niyang namatay ang lasing.

Nakita ni Matt Alino si Nam na nakahiga sa bangkata at agad na dinala kay Mang Sanas. Ginamot ni Mang Sanas si Nam at nawala ang kanyang sugat.

Nalaman ito ni Lorando na buhay si Nam at pinuntahan si Mang Sanas. Binari niya ang mangagamot sa ulo.

Ang dugo ni Mang Sanas ay tumalsik sa isang puno. Makalipas ang ilang araw, nagbunga ng prutas na pula at masustansya. At sa huli ay itinawag itong “mansanas”.

BASAHIN DIN: Summary Of Keesh – A Story Written By Jack London

Leave a Comment