BIONOTE HALIMBAWA – Ang bionote ay isang impormatibong sulatin na kadalasan ay maikli lamang at ito ang ilang mga halimbawa.
Ang nilalaman ng isang bionote ay ang pangalan ng may-akda, trabaho, edukasyon na natanggap, mga parangal, mga organisasyong kinabibilangan, tungkulin sa komunidad at marami pang iba. Samakatuwid, ito ay isang maikling sulatin na nagpapakilala ng isang indibidwal sa mga mambabasa o tagapakinig.
HALIMBAWA NG BIONOTE – Mga Bionote Ng Iba’t Ibang Propesyon
HALIMBAWA NG BIONOTE – Mga Bionote Ng Iba’t Ibang Propesyon
HALIMBAWA NG BIONOTE – Sa paksang ito, ating alamin at basahin ang mga halimbawa ng mga bionote ng iba’t ibang propesyon.
Ang bionote ay isang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
Isa rin itong nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
May tatlong bahagi ito:
- Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay kabataan hanggang sa kasalukuyan
- Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
- Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at adbokasiya
Narito ang mga iba’t ibang halimbawa nito:
Manunulat
Bionote Ni G, Patronicio Villafuerte
Si Patrocinio Villafuerte y isang guro at manunulat sa Filipino. Siya ay ipinanganak noong ika-7 ng Mayo 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija. Isa siyang manunulat na may bilang na 145 na akda. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyon. PAngulo siya ngayon ng Departamento ng Pilipino sa Philippine Normal University. Marami siyang nakuhang mga parangal sa iba’t ibang pag-gawad, tulad ng Gawad Merito na kanyang nakuha at nakamit sa Manuel Luis Quezon University.
Tumanggap rin siya ng mga parangal. Ang kanyang kauna-unahang nakamit ay mula sa Genoveva Edroza Matute Professional Chain in Filipino, Sampung gawad Surian Gantimpalang Collanters. Dalawang Presidential Awards sa Malacañan Palace at walong Carlos Palanca Memorial Awards For Literature. Pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino, PNU Alumni Association, Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL), Ninoy Aquino Foundation at Philexers.
Guro
Bionote ni Ascension Salvani
Si Ascension Salvani, o kilala bilang si Siony, ay naging isang guro sa isang pampublikong paaralan sa Lungsod ng Pasay. Siya ay ipinanganak at lumaki sa lalawigan ng Bohol, at doon nakapagtapos ng kursong Edukasyon sa University of Bohol noong 1965. Naging aktibo rin si Siony sa Physical Education, kung saan nakapagturo siya ng mga estudyanteng may hilig sa volleyball.
Nang makapagturo ng ilang taon, nagpasiya siyang kumuha ng Masteral Degree sa Philippine Normal University sa Maynila. At sa Maynila na niya itinuloy ang kanyang pagtuturo, at nanilbihan ng ilang taon bilang guro ng isang pampublikong paaralan. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pagturo, nakakuha rin siya ng gantimpalang ‘Teacher of the Year’ ng ilang beses sa loob ng apatnapung taon sa serbisyo.
Bionote ni Dr. Carlito Y. Correa
Si Dr. Carlito Y. Correa ay isang ekspertong doktor sa pangkalahatang operayon at nagtatrabaho sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu. Siya ay Ipinanganak sa Mangagoy, Bislig, Surigao del Sur noong Setyrmbre 8, 1978. Ina niya si Ginang. Nena Y. Correa, isang guro; at ama niya si Ginoong Jovencio V. Correa, isang mechanical engineer.
May walong taong taong karanasan sa serbisyo si Dr. Correa. Nag-aaral muna siya sa Southwestern University at sa Matias H. Aznar Memorial College of Medicine para sa kursong BS Biology bago niya narating ang kanyang propesiyon. Pagkalipas ng apat na taon ay nag-aral siya sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at nagtapos si Correa sa kursong medisina. Pumasa sa kanyang unang subok sa Physician’s Licensure Examination.
Sumali si Dr. Correa sa Philippine Board of Surgery, Inc. at kabakas niya ang mga kompanyang seguridad ng kalusugan tulad ng Generali Life Assurance Philippines, Inc., Health Plans Philippines, Inc., Philhealthcare, Inc. at marami pang iba. Ngayon, patuloy parin ang kanyang serbisyo sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu.