Teritoryo Ng Pilipinas – Ang Lokasyon at Teritoryo ng Pilipinas

Ano ang lokasyon at teritoryo ng Pilipinas? Alamin at pag-aralan.

TERITORYO NG PILIPINAS – Gaano kalawak ang teritoryo ng Pilipinas at ano ang mga hangganan ng ating bansa?

Ang ibig sabihin ng teritoryo ay ang sukat ng lupain na sakop ng isang lugar. Napapaloob na dito ang katubigan na nakapaligid asa mga kapuluan at mga kalawakang itaas na katapat nito.

Ano ang sakop ng Pilipinas?

Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,107 na isla. Ang bansa ay binubuo ng maliliit at malalaking pulo na tinatawag na arkipelago.

Teritoryo Ng Pilipinas

Ang teritoryo ay:

  • terrestrial o kalupaan
  • fluvial o katubigan
  • maritime o katubigan
  • aerial o kalawakang itaas

Ang teritoryo ng bansa ay higit sa 300,000 kilometrong kuwadrado (sq. km) ang laki at ang arkipelago ay nahahati sa tatlo: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang bansa ay “isang republikang presidensiyal at konstitusyonal na gayong nahahati sa mga yunit ay napapasailalim sa iisang pamahalaan”.

Ang saktong lawak ng lupain ay 343,448 kilometrong kuwadrado (sq. km) o 132,606 milyang kuwadrado (sq. mi).

Ang kapital ay Manila. Ang 13 pinakamalalaking pulo sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

  • Luzon
  • Mindanao
  • Samar
  • Negros
  • Palawan
  • Panay
  • Mindoro
  • Leyte
  • Cebu
  • Bohol
  • Masbate
  • Catanduanes
  • Basilan

Bakit mahalaga na malaman ang pambansang teritoryo ng bansa?

Ito ay para sa mga Pilipino at lahat ng tao sa buong mundo. Sa loob ng hangganan na ito, ang mga batas ay maipapatupad dahil ito ay para sa kapakanan ng bansa at ng mga tao.

Sa kasaysayan, ang mga naging batayan sa teritoryo ay:

  • Kasunduan sa Paris
  • Kasunduan sa Washington
  • Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya
  • P.D. no. 1596
  • Saligang Batas ng 1935

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment