Halimbawa Ng Sektor Ng Agrikultura – Ang Iba’t ibang Sektor Ng Agrikultura

Ano ang ga halimbawa ng sektor ng agrikultura. Alamin!

HALIMBAWA NG SEKTOR NG AGRIKULTURA – Ang agrikultura ay isa sa pinakamalaking sektor ng ekonomiya sa ating bansa at ito ang mga halimbawa nito.

Ang agrikultura ay napakahalaga sa bansa at sa tao. Kung wala ito, maari tayong magutom at walang makain. 

Ito ay isag uri ng agham kung saan ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga halaman at hayop ay nalilinang. Ito ay ginagawa upang makalikha ng pagkain, damit, at iba pang produkto na makakatulong sa pamumuhay ng tao.

Ang salitang ito ay galing sa salitang Latin na “AGRI” na ibig-sabihin ay “LUPA” ay “CULTURA” na ang ibig sabihin ay “PAGLILINANG”.

Halimbawa Ng Sektor Ng Agrikultura

Ang iba’t ibang mga sektor ay:

  • Pag-aalaga ng hayop – dito nagmumula ang mga karneng tulad ng baboy, baka, kalabaw, kambing, manok, at pato.
  • Pagtatanim o paghahalaman – dito nanggagaling ang mga pangunahing pananim ng bansa gaya ng abaka, kape, mais, mangga, niyog, pinya, saging, tabako, at tubo.
  • Paggugubat – dito nagmumula ang mga produktong tulad ng kahoy, papel, tabla, kopra, at troso. 
  • Pangingisda – dito natin nakukuha ang mga lamang-dat tulad ng tahong, hipon, tulya, at isda.

Sa makatuwid, ang agrikultura ang pangunahing pinagmumulan ng ating mga pagkain. Ang lupain ng bansa ay akma sa pagtatanim ng mga palay, mais, tubo, at marami pang iba.

Mainam din ang temperatura para sa paghahayup at sapat na mapagkukunan ng pagkain mula sa ating mga katubigan.

Mula naman sa ating mga kagubatan, kabukiran, at karagatan ay nakakakuha tayo ng mga hilaw na kagamitan upang makabuo ng mga bagong produkto. Isa sa mga halimbawa ay ang mga puno kung saan nagmumula ang goma para sa paggawa ng gulong, bulak at mga hibla para sa tela at sinulid, kahoy para sa muwebles, at marami pang iba.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment