Ano ang mga mabuting epekto ng kalakalang galyon? Alamin dito!
MABUTING EPEKTO NG KALAKALANG GALYON – Pagtalakay sa mga masasama at mabubuting epekto ng kalakalang galyon.
Ang Kalakalang Galeon o Kalakalang Galyon ay nagsimula matapos ma diskubre ni Padre Andres de Urdaneta ang daang papuntang Mexico papuntang Pilipinas. Ito ay nagsimula noong 1565 at opisyal na natapos noong 1815.
Ivory, tela, tasa, at spices ay mga produkto na kadalasang binabyahe ng galyon.
Kapag ang usapan ay pangkabuhayan ng Pilipinas noong unang panahon, ang kalakalan na ito ang hindi maisasantabi. Ano kaya ang mga naging epekto nito?
Mga mabuting epekto:
- Malaki ang kita ng tao at pamahalaan na nakakadagdag sa pananalapi ng bansa.
- Nakakatanggap ng mga kalakal galing sa Acapulco Mexico.
- Pagkadiskubre ng mga bagong pagkain.
- Umunlad ang kalakal ng mga raw materials at mga sangkap.
- Pagkakaroon ng mga halaman mula sa iba’t ibang lugar tulad ng tabako, mais, mani, kakao, kape, beans, at kamatis na noon ay nasa Amerika lamang.
- Nahikayat ang mga magsasaka na magtanim.
- Ang Pilipinas ay naging pangunahing pagawaan ng tabako sa daigdig noon kaya dito, naging tanyag ang Tabakong Pilipino o Tabakong Maynila.
- Lumakas ang pagbabangko sa ating bansa.
Mga masamang epekto:
- Hindi lahat ng tao ay may pagkakataon na lumahok.
- Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain.
- Ang mga Espanyol at ibang dayuhan ang nakinabang ng lubos saa monopolyo.
- Marami ang mga namatay at mga nasawi dahil sa mga paglubog at pag-atake ng mga pirata.
- Nakasama sa pamamahala ng ibang lalawigan dahil mas natuon ang pansin ng mga opisyal sa kalakalan.
- Napabayaan ang ibang sektor ng industriya.
Subalit bago pa naganap ang kalakalang ito, ang mga Pilipino ay nakikipagkalakalan na sa mga karatig bansa tulad ng Tsina.
READ ALSO:
- Pagmamahal Sa Bansa – Mga Paraan Paano Ito Maipapakita
- Heterogeneous Na Wika – Ano Ang Heterogeneous Na Wika?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.