MGA SALITANG NAGLALARAWAN – Ano ang mga salitang naglalarawan at mga halimbawa nito na mga salita at pangungusap.
Ang mga salita na naglalarawan o nagbibigay turing sa tao, hayop, lugar, bagay, o pangyayari at tinatawag na pang-uri. Naglalarawan din ito ng hugis, laki, anyo, kulay, katangian, pandama, pang-amoy, at panlasa. Ito ang mga salita na nagbibigay buhay sa ating mga sinasalita at binabasa.
Salitang Naglalarawan: 15+ Halimbawa At Kahulugan Nito
Salitang Naglalarawan Halimbawa At Kahulugan
SALITANG NAGLALARAWAN – Ang mga salita na naglalarawan ay ginagamit natin sa pang araw-araw nating buhay kahit di natin ito alam.
![Salitang Naglalarawan: 15+ Halimbawa At Kahulugan Nito](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/07/image-231.png)
Ang mga salitang nag lalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na pinapalinaw at bumubuo ng mas konkretong larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Heto ang mga halimbawa:
- malinamnam
- matapang
- napakalaki
- pula
- masaya
- napakaganda
- napakagwapo
- napakalakas
- matakutin
- masarap
- malaki
- maliit
- maaruga
- mabagal
- masunurin
Halimbawa ng mga ito sa pangungusap:
- Malinamnam ang lutong tinola ni Peter.
- Si David ay isang matapang na tao para labanan ang higanteng si Goliath.
- May nakita kaming aso na napakali kaninang umaga.
- Si Eva ay masaya na sa kanyang buhay.
- Napakaganda talaga ng mga bulaklak sa hardin mo, Nene.
- Ang aking anak ay napakagwapo!
- Hindi ko naisip na napakalakas pala ni Ramon, subalit, napakatakutin rin ito.
- Malaki ang hinaharap naming hamon sa buhay.
- Ang binili kong charger ay maliit lamang at kasyang kasya sa aking bulsa.
- Napakaswerte ko at naka kita ako ng maarugang babae katulad mo, Audrey.
- Ang mabagal na pagong ay nanalo sa sa karera laban sa mabilis na kuneho.
- Si Toto ay isang masunuring bata na laging nakikinig sa kanyang magulang.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Salawikain: 15+ Halimbawa Ng Mga Salawikain