Ano ang Kalakalang Galyon? Alamin!
KALAKALANG GALYON – Parte ng kasaysayan ng Pilipinas ay ang Kalakalang Galyon at ito ang mga naging epekto nito.
Ang Kalakalang Galyon ay nagsimula noong 1565 matapos matagpuan ni Padre Andres de Urdaneta ang daan papuntang Mexico papuntang Pilipinas. Ito ay nasa operasyon ng mahigit 250 taon at ang mga galyon o mga barko ay naglayag mula Maynila papunta sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Dahil sa kalakalang ito, nabago ang ang paraan ng pangangalakal ng maraming bansa.
Ito ay kilala rin bilang bilang “Kalakalang Maynila-Akapulko”. Ito ay naging monopolyo ng pamahalaan ng Espanya. May dalawang barko lamang ang ginagamit: isa ay papuntang Akapulko mula Maynila at naglalakbay sa loob ng 120 araw at ang isa ay papuntang Maynila mula Akapulko at naglalakbay sa loob ng 90 araw.
Dahil dito, ang naging sentro ng pamahalaang Espanyol ay nailipat sa Pilipinas noong 1571 at naging resulta din upang maging sentro ng kalakalan sa Asya ang Pilipinas. Ito ay nagsilbing tagapag-ugnay ng mga bansa partikular na ng Pilipinas at Mexico. At ang Espanya ang nakinabang ng husto sa kalakalang ito.
Ang mga produkto na kadalasang inaangkat ay ivory, tela, tasa, at spices.
Ito ang mga naging epekto nito:
- Pagkatuklas ng bagong ruta.
- Nakatuklas ng mga bagong sangkap sa pagkain.
- Maraming kalakal ang nakuha sa Mexico.
- Naging maalam ang mga Pilipino sa paggawa ng mga barko.
- Ito ay nagbigay daan upang makapasok ang liberalismo sa Pilipinas.
Sa panahong ito, umusbong ang dalawang anyo ng ekonomiya ng Pilipinas: Encomienda at Hacienda.
Opisyal na nagtapos ang kalakalan noong 1815 at ito ang pinakamatagal na sistema ng pagbabarko noong panahong iyon
READ ALSO:
- Ano Ang Wikang Pambansa? Kahulugan At Magbigay Ng Halimbawa
- Teorya Ng Bulkanismo – Ano Ang Teoryang Bulkanismo?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.