TULANG MODERNISTA HALIMBAWA – Ito ang isang halimbawa ng tulang modernista at ang katangian na tinataglay ng tulang ito.
Isang uri ng akdang pampanitikan na tula ay ang tulang modernista. At base na rin sa pangalan nito, sa makabagong paraan nagagawa ang isang tula ng ganitong uri. Hindi nito sinusunod ang tradisyunal o tiyak na pamantayan sa pagsulat at paggawa ng tula.
Katangian Ng Tulang Modernista – Ano Ang Mga Katangian Nito?
Alamin ang mga katangian ng tulang modernista at ang halimbawa nito.
KATANGIAN NG TULANG MODERNISTA – Talakayin natin ang kahulugan at halimbawa ng tulang modernista at kung ano ang mga katangian nito.
Ang tula ay isang uri ng panitikan na may ritmo at metro. Ito ay may apat na uri na naayon sa kung paano ito ginawa. Ang apat na uri ay ang mga sumusunod:
- Tulang Damdamin o Tulang Liriko
- Awit
- Soneto
- Oda
- Elehiya
- Tulang Damdamin o Tulang Liriko
- Epiko
- Awit/Korido at Kantahin
- Tulang Patnigan
- Balagtasan
- Karagatan
- Duplo
- Fliptop o Battle Rap
- Tulang Pantanghalan o Padula
At isang uri ng uso o kadalasan na ginagamit sa panahon ngayon ay ang tulang modernista. Ito ang tula na walang sukat at tugma. Kadalasan, ang nilalaman nito ay kadalasan tungkol sa karanasan ng mga manunulat.
Wala itong tugma sa hulihan ng mga salita sa bawat linya at walang isang sukat na sinusunod. Isa pang katangian ng tulang ito ay hindi ito gumagamit ng matatalinhagang salita.
Sa madaling salita, ang tulang ito ay hindi sumusunod sa tiyak na pamantayan sa pagsulat ng isang tula. At ang manunulat na nagpasimula ng ganitong uri ng tula ay si Alejandro G. Abadilla.
Basahin ang tula “Ako Ang Daigdig” na isinulat ni Alejandro G. Abadilla, isang halimbawa:
I
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig
ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang tula
sa daigdig
ako
ang daigdig
ng tula
ako
III
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay
ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako
IV
ako
ang daigdig
sa tula
ako
ang daigdig
ng tula
ako
ang daigdig
ako
ang tula
daigdig
tula
ako
READ ALSO:
- Ano Ang Kultura? Pagtalakay Sa Kahulugan At Konsepto Nito
- Neokolonyalismo Kahulugan – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Neokolonyalismo?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.