Pahambing Halimbawa – Ano Ang Pahambing At Halimbawa Nito?

PAHAMBING HALIMBAWA – Ang isang kaantasan ng pang-uri ay pahambing at ito ang kahulugan ng antas na ito at mga halimbawa.

Ang pahambing o komparatibo ay tumutukoy sa paghahambing ng dalawang bagay, tao, hayop, lugar, at iba pa na may magkaibang lebel ng katangian. Ito maaring pahambing na magkatulad o di magkatulad.

Halimbawa Ng Paghahambing – Magbigay Ng Halimbawa Sa Pangungusap

Ano ang paghahambing at magbigay ng halimbawa ng paghahambing.

HALIMBAWA NG PAGHAHAMBING – Ano ang paghahambing at magbigay ng mga halimbawang pangungusap na may paghahambing.

Ang paghahambing ay isang paraan upang magbigay linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay. Madalas inihahahambing ang dalawang katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.

Halimbawa Ng Paghahambing

May dalawang uri ang paghahambing: Magkatulad at Di-Magkatulad.

Malalaman na magkatulad ang paghahambing kapag ang salitang kasing, sing, kapwa, at magkapareho ay nasa pangungusap at ito ang mga salitang madalas na ginagamit. Ang uring ito ay paghahamabing ng dalawng bagay na magkaparehas o magkasing-antas.

Halimbawa:

  1. Si Ana at Elsa magkasing-edad lamang.
  2. Magkapareho ang gusali na aming pinagta-trabahuhan.
  3. Ako at si Andy ay kapwa magkabilang sa iisang klase sa History.

Sa kabilang banda, ang di-magkatulad ay ginagamit kapag ang dalawang bagay na inihahambing ay may magkaibang antas o mga katangian. Ang di-magkatulad na paghahambing nahati sa dalawang kategorya: pasahol at palamang.

Masasabing pasahol ang paghahambing kapag ang inihahambing ay mas maliit sa pinaghahambingan. Ang mga katagang lalo, di gaano, di gasino, di lubha, at di totoo ay madalas na ginagamit.

Halimbawa:

  1. Kung nasaktan ka, lalo na ako dahil niloko mo lang ako.
  2. Di gaanong matangkad si Ella kompara kay Fiel.
  3. Di lubhang mas nasugatan si ako kaysa kay Anton sa gyera.

Samantala, ang palamang ay kapag mas malaki ang inihahambing sa pinaghahambingan. Ang mga katagang di – hamak, higit, at labis ay madalas na nagagamit.

Halimbawa:

  1. Di hamak na mas matatas magsalita ng Ingles si Yna kaysa kay Lomar.
  2. Higit kong nagustuhan ang regalo mo ngayong taon kumpara noong taon.
  3. Labis ang kanyang naging pagsisi noong iniwan niya kami.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment