Masalimuot Kahulugan – Ibig Sabihin At Gamit Sa Pangungusap

Ang kahulugan ng masalimuot at mga halimbawang pangungusap.

MASALIMUOT KAHULUGAN – Alamin dito ang kahulugan ng “masalimuot” at ang mga halimbawang pangungusap na may “masalimuot”.

Isa sa mga malalalim na salita sa Tagalog ay ang “masalimuot” kung saan ang ibig sabihin nito ay naglalarawan ng magulo, mahirap maunawaan, o komplikadobng sitwasyon. Ito ang mga bagay na mahirap mainitindihan at wala sa ayos. Sa Ingles, ito ay tinatawag na entangled o complicated.

Masalimuot Kahulugan

Ang salitang ito ay binubuo ng unlaping ma- na sinusundan ng salitang ugat na salimuot.

Tingnan ang mga pangungusap na ginagamit ang salitang ito:

  1. Hindi niya maikwento ang mga pangyayari ng maayos dahil masyadong masalimuot ang kanyang pinagdaanan.
  2. Ayaw ko nang marinig pa ang masalimuot na mga pangyayaring ito.
  3. Masalimuot ang kanyang naging buhay sa ibang bansa.
  4. Masyadong masalimuot ang nagdaang taon para magbalik-tanaw pa.
  5. Masalimuot ang naging buhay niya sa piling ni Adam.

Sa kabilang banda marami pang ibang malalalim na salita na dapat nating malaman ang kahulugan at ilan sa mga ito ay:

  • Pagwawaksi o pagtataboy
    • Halimbawa: Iwinaksi ko ang isiping siya ay mapapahamak.
  • Dalisay o malinis
    • Halimbawa: Isang dalisay na baryo ang aking nabalikan
  • Nasukol o nahuli
    • Halimbawa: Matapos ang isang taon, nasukol siya ng awtoridad at nakamit ng pamilya ng biktima ang hustisya.
  • Malamyo o malambing, mahinahon
    • Halimbawa: Malamyo ang tinig niya habang bumubulong sa aking tenga.
  • Malasutla o malambot
    • Halimbawa: Malasutla ang pagkahinog ng mangga.
  • Batingaw o kampana
    • Halimbawa: Tumutunog ang batingaw tuwing madaling araw.
  • Agam-agam o pangamba
    • Halimbawa: Marami akong agam-agam pero itinuloy ko pa rin ang aking plano.
  • Balintataw o imahinasyon
    • Halimbawa: Nakikita ko sa aking balintataw na kami ang magkakatuluyan.
  • Nabanaag o nakita
    • Halimbawa: Mayroon akong nabanaag na anino sa aming likod-bahay.
  • Tumalilis o tumakbo ng mabilis
    • Halimbawa: Tumalilis siya pauwi.
  • Napadupilas o nadulas
    • Halimbawa: Napadupilas dahil hindi nag-iingat sa mga hakbang.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment