Mga Uri Ng Tula – Alamin At Pag-aralan

MGA URI NG TULA – Ang tula ay may iba’t ibang uri at bawat uri na ito ay may kanya-kanyang bahagi. Alamin at pag-aralan ang mga ito.

Lahat ng tula ay nagpapahayag ng damdamin ngunit nagkakaiba ang mga ito sa uri depende sa pagsasalaysay at pagpapakita ng tema at emosyon. Ito ang isa mga paraan ng mga manunulat na ipahayag kung ano ang nararamdaman nila. Alamin ang mga uri nito!

URI NG TULA – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Uri Nito? (SAGOT)

URI NG TULA – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Uri Nito? (SAGOT)

URI NG TULA – Sa paksanhg ito, ating kilalanin ang mga iba’t ibang uri ng tula at alamin ang kahulugan o depinisyon ng bawat isa.

URI NG TULA

Ang tula, o kilala sa panitikan bilang patula, ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm.

Nakabilang dito ang ritmo at metro o meter, na kung saan ang ritmo ay nagpapakita ng pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi nagbibigay-diin na mga pantig; habang ang metro naman ay isang set ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.

Mga Uri

Narito ang mga iba’t ibang uri nito, ayon sa Panitikan:

  • Tulang Damdamin o Tulang Liriko
    • Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
      • Awit – ito naman tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
      • Soneto – isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan, diwa ng makata.
      • Oda – isang tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento.
      • Elehiya – isang tulang malungkot at pagdadalamhating babasahin.Ang karaniwang tema nito ay kamatayan o pagluluksa.
      • Dalit – ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.
  • Tulang Pasalaysay 
    • ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Kabilang dito ang sumusunod:
      • Epiko – ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.
      • Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
  • Tulang Patnigan
    • isng uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:
      • Balagtasan – tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa.
      • Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan.
      • Duplo – Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
      • Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa.
  • Tulang Pantanghalan o Padula
    • Tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.

BASAHIN DIN: Grade 6 English Workbook – DepEd Free Download PDF

Leave a Comment