URI NG TULA – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Uri Nito? (SAGOT)

URI NG TULA – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Uri Nito? (SAGOT)

URI NG TULA – Sa paksanhg ito, ating kilalanin ang mga iba’t ibang uri ng tula at alamin ang kahulugan o depinisyon ng bawat isa.

URI NG TULA

Ang tula, o kilala sa panitikan bilang patula, ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo o rhythm.

Nakabilang dito ang ritmo at metro o meter, na kung saan ang ritmo ay nagpapakita ng pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi nagbibigay-diin na mga pantig; habang ang metro naman ay isang set ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig sa bawat linya.

Mga Uri

Narito ang mga iba’t ibang uri nito, ayon sa Panitikan:

  • Tulang Damdamin o Tulang Liriko
    • Ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng makata laman ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito. Kabilang na dito ang mga sumusunod na akda:
      • Awit – ito naman tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
      • Soneto – isang mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Tumatalakay ito sa kaisipan, diwa ng makata.
      • Oda – isang tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento.
      • Elehiya – isang tulang malungkot at pagdadalamhating babasahin.Ang karaniwang tema nito ay kamatayan o pagluluksa.
      • Dalit – ito naman ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.
  • Tulang Pasalaysay 
    • ang tulang pasalaysay ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan. Kabilang dito ang sumusunod:
      • Epiko – ito ay isang akdang patula na isinalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ito ay kadalasang inaawit pero meron namang mga epikong binabasa.
      • Awit/Korido at Kantahin – ito naman ay tumutukoy sa mga musikang may tono na talagang magandang pinakikinggan.
  • Tulang Patnigan
    • isng uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Kabilang dito ang sumusunod:
      • Balagtasan – tumutukoy ito sa pagtatalo ng dalawa o tatlong manunula sa iisang paksa.
      • Karagatan – Isang uri naman ng paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan.
      • Duplo – Paligsahan namabn ito sa pangangatwiran sa anyong patula. Ito ay hango sa Bibliya na binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.
      • Fliptop o Battle Rap – modernong uri ng Balagtasan na kung saan nagsasagutan din ang dalawang panig tungkol sa isang paksa.
  • Tulang Pantanghalan o Padula
    • Tumutukoy sa mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.

BASAHIN DIN: Grade 6 English Workbook – DepEd Free Download PDF

Leave a Comment