Ano Ang Katangian? Magagandang Katangian Ng Isang Tao

Alamin kung ano ang katangian at mga halimbawa nito.

ANO ANG KATANGIAN – Paano mo ba malalaman kung may mabuting katangian ang isang tao? Alamin ang kahulugan at mga halimbawa.

Sa isang simple at maikling pagpapakahulugan, ang katangian ay tumutukoy sa kabuuang personalidad o ugali ng isang tao. Ang mga ugali o karakter na mga ito ang resulta mula sa pagdikta ng ating isip, konsensiya, dignidad, at kalayaan.

Ano Ang Katangian

Ang mga kilos natin na nagpapakita ng ating tunay na ugali ay may impluwensya mula sa ating kapaligiran, pamilya, mga magulang, at mga kaibigan.

Ang pagiging matapat ay isang katangian tulad ng pagiging masipag, tamad, mahiyain, masayahin, malikhain, maka-Diyos, magastos, masunurin, magiliw, mapagmahal, at malumanay.

Bawat tao ay may kanya-kanyang ugali na taglay. Mga ugali o katangian na masama at mabuti.

Paano mo nga bamasasabi na ang isang ugali ng tao ay mabuti?

Ito ang ilang halimbawa ng mga katangian ng isang na mabuti:

  • Marunong umunawa sa kapwa.
  • Hindi madaling mapikon.
  • Mahaba ang pasensya.
  • Hindi makasarili.
  • Palakaibigan sa ibang tao.
  • Hindi mapanghusga sa kapwa.
  • Mapagbigay lalo sa mga nangangailangan.
  • May mabuting saloobin.
  • Matiyaga sa buhay.
  • Masigasig sa lahat ng bagay.

Ang mga katangian na ito ay nag-iiba depende sa napagdaanan ng isang tao. Minsan ay kusa itong nag-iiba dahil sa mga tao sa ating paligid. Pero isang malaking dahilan sa mga pagbabago na ito ay ang mga personal na mga bagay o pangyayari na naranasan ng isang tao.

Ang mga katangian ay mauuri rin sa sumusunod:

  1. Pagkatao.
  2. Asal.
  3. Uri.
  4. Karangalan.
  5. Kakatuwang tao.
  6. Katangi-tangi.

Masasabi na ang isang katangian ay mabuti kapag ito ay nagdudulot ng magandang resulta sa iba at masama kung ito ay walang kanais-nais na dulot sa iba at sa sarili.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment