IMPENG NEGRO NI ROGELIO SIKAT – Basahin ang buod ng kwentong “Impeng Negro” na isinulat ni Rogelio Sikat, isang sikat na manunulat.
Si Rogelio Sikat o kilala ring Rogelio Sicat ay isang piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ang sumulat ng kwentong “Impeng Negro”, isang kwento na kapupulutan ng magandang aral.
Impeng Negro Story Ni Rogelio Sicat – Ito Ang Buod Ng Kwento
Ang buod ng Impeng Negro story ni isinulat ni Rogelio Sicat.
IMPENG NEGRO STORY – Si Rogelio Sicat ang nagsulat ng kwentong “Impeng Negro” at ito ang buod ng klasikong kwento na ito.
Isa sa mga pinakasikat na manunulat ng bansa ay si Rogelio Sikat o Rogelio Sicat sa totoong buhay. At ang kanyang storya na may titulong Impeng Negro ay na-publish moong 1962 at ito ay isang Carlos Palanca awardee. Ang maikling kwento din na ito ay nanalo ng first prize sa Short Feature Film Category ng 12th Gawad CCP.
Ito ang buod ng kwento:
Si Impen ay madalas na tuksuhin sa kanilang pook dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya ay anak ng isang Negrong Amerikano at siya ay may mga kapatid na anak ng kanyang ina sa isang Amerikanong puti, mapuputi ang kanyang mga kapatid kaya ganoon na lamang ang panunukso ng mga tao sakanya.
Tuwing aalis si Impen sa kanilang tahanan bilang isang Agwmador ay madalas siyang pinangangaralan ng kanyang ina na huwag makipag away kay Ogor. Si Ogor ay kinikilalang hari ng gripo, siya ang nangunguna sa pagtukso kay Impen.
Isang araw, habang siya ay nakapila upang mag-igib ay sinubukan nanaman siya ni Ogor. Pilit na sinisingit ni Ogor ang kanyang balde gayong si Impen na ang sasahod. Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi.
Subalit sa kanyang pag-alis ay pinatid siya ni Ogor kaya tumama ang kanyang pisngi sa nabitawang balde na nagsanhi ng pagdudugo nito, agad tumingala si Impen sa kanyang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Tumawa lang ng malakas si Ogor at sinipa pa siya.
Nagulat si Ogor nang mabilis siyang sipain ni Impen. Nagpambuno ang dalawa, subalit bigla ang paglakas ni Impen kaya natalo at napasuko niya si Ogor. Hindi makapaniwala ang ibang Agwador, bakas ang paghanga sa kanilang mga mata. Sa pagkakataong iyon, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga tao.
Ang ilan sa mga aral na makukuha sa kwentong ito ay ang pagiging mabuti at huwag maghigante sa mga taong nanakit sa iyo. Si Impen sa kwento ay niloloko ni Ogor dahil sa kanyang kulay at ang nakaraan ng kanyang nanay. At ang aral ng kwento ay huwag pumatol sa mga taong nagawa ng masama sa iyo.
READ ALSO:
- Fernando Maramag – Biography & Some Of His Notable Works
- Lenggwahe – Ano Ang Kahulugan Ng Lenggwahe, Mga Halimbawa Nito
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.