Kilalanin kung sino si Bidasari ng epiko.
BIDASARI – Ang Bidasari ay isang epiko sa Mindanao at ito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bida ng epiko.
Ang epiko ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga kwento na tinatalakay ay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. At ang pangunahing tauhan na ito ay may mga katangian na nakakalamang sa mga katangian ng karaniwang tao.
At isa sa mga pinakasikat na epiko sa Mindanao na nagmula sa Malay ay ang Bidasari na siyang pangalan din ng pangunahing tauhan. Ang epiko ay umiikot sa kwento ng kagandahan ng bida. Siya ang nawawalang anak ng sultan at sultana ng Kembayat.
Siya ay nawala ng sanggol pa lamang siya at nakuha ng isang mangangalakal na ang pangalan ay si Diyuhara. Pinalaki siya ng mangangalakal.
Ang kwento ay tungkol sa paniniwala ng mga Malay na kung nais ng isang tao na tumagal ang buhay, dapat ay pangalagaan ang mga isda, hayop, halaman, o punongkahoy.
Basahin ang buod ng epiko:
Nawala ang anak ng sultan at sultana ng Kembayat nang sumugod ang isang garuda sa kanilang kaharian. Napulot ang sanggol ng isang mangangalakal na si Diyuhara. Tinawag niya ang sanggol na si Bidasari na lumaki nang ubod ng ganda.
Samantala, sa kaharian naman ng Indrapura, laging nangangamba si Lila Sari na baka makahanap ng mas magandang dilag ang kaniyang asawa na si Sultan Mongindra. Dahil dito, pinahanap niya lahat ng magagandang babae sa lugar nila na maaaring makahigit sa kaniya.
Nakita niya si Bidasari at kungwari ay iniimbitahan sa palasyo upang maging dama. Ngunit agad na ikinulong si Bidasari. Sa pamamagitan naman ng isang mahiwagang isdang ginto. Kapag umaga ay isinusuot ito ni Lila Sari at kapag gabi ay ibinabalik sa tubig. Ang isda sa tubig ang simbolo ng buhay ni Bidasari—patay sa umaga, buhay sa gabi.
Nang pagawan ng palasyo si Bidasari na paglalagakan sa kaniya kapag wala siyang buhay, napapunta roon ang sultan. Walang buhay si Bidasari noon dahil umaga. Bumalik siya ng gabi at nakita ang kagandahan ni Bidasari. Dito na rin sinabi ni Bidasari ang mga ginagawa ni Lila Sari.
Iniwan ng sultan si Lila Sari dahil sa galit at agad na pinakasalan si Bidasari. Nang magpunta naman sila sa Kembayat, dito nalahad na si Bidasari ay anak din pala ng isang sultan.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.