ANO ANG TALUDTOD – Alamin ang kahulugan ng taludtod ng isang tula, halimbawa nito, at kaibahan sa saknong.
Ang tula ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga taludtod at saknong. Ito ang akda kung saan ang buhay, kwento, at damdamin na nais iparating ng manunulat ay masining na ipinaparating sa mga mambabasa.
Taludtod – Ano Ang Taludtod At Mga Halimbawa Nito
Alamin ang kahulugan ng taludtod at ang halimbawa nito.
TALUDTOD – Pag-aralan at alamin kung ano ang ibig sabihin ng taludtod at kung paano ito matutukoy sa isang tula.
Ang taludtod o verse sa isang tula ay tumutukoy sa linya ng mga salita. Ang iba ay nalilito kung ang kaibahan nito sa saknong. Ang saknong ng isang tula ay “parte ng tula na naglalarawan sa grupo ng dalawa o higit pang linya”.
Samakatuwid, ang isang saknong ay binubuo ng mga taludtod.
Ang verse ay kinakailangan na sumunod sa tugmaang karaniwang ginagamit sa isang tula upang makagawa ng maganda at malikhain na produkto o sulatin. Mayroong mga verses na sinusukat ang dami ng pantig o sukat at ang iba naman ay isinusunod ang mayroong iba ang mga paraan upang maging mas malikhain ang gawa.
Ito ang iba’t ibang mga uri nito:
- Tradisyunal – Ito ang uri na may sukat, tugma, at mga malalalim na salita.
Halimbawa:
Ayaw ng patulak, gusto’y laging pakabig,
Kung baga sa manok kahig lang ng kahig.
Ang akala’y nakamura, namahalan pala. - Berso Blangko – Ang uri kung saan ang isang berso ay may sukat pero walang tugmaan.
Halimbawa:
“Halina at tayo’y mag-alay, ng bulaklak kay Maria. Halina at magsilapit/ Dine sa Birheng Marikit/ na Inang kaibig-ibig, Dakilang Reyna sa langit, ampunin tayo’t saklolohan, yamang siya’y ating Ina; Halina at idulog dito, mga bulaklak sa Mayo; Umasa tayo at maghintay sabawat ipagtatalaga. Marapat nawang tanggapin, Mga bulaklak naming hain, Galing sa puso’t damdamin, At dito inaasahan, mga paglingap mo Ina. Ang mga mag-aalay naman ng ulaklak pati na ang ibang nasa loob ng simbahan ay sumasagot ng, “Halina at tayo’y mag-alay ng bulaklak kay Maria” - Malayang Taludturan – Ito ang walang sukat at walang tugma na pagtutula.
Halimbawa:
lupa, narito ang lupa!
ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad
na makapal ay iyong tmbangin at madarama
mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang
ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing
ulan. bats ay dumaloy na tulad ng ahas
na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok.
READ ALSO:
- Ano Ang Lingua Franca? (Kahulugan Ng Lingua Franca)
- Mga Kababaihan Ng Rebolusyong Pilipino at Ang Kanilang Nagawa
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.