MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN – Ano ang mga halimbawa ng isyung pangkapaligiran? Alamin at pag-aralan ang kahulugan at mga halimbawa.
Ang mga isyu sa kapaligiran ay nag-ugat sa kapabayaan nating mga tao. Pero dapat nating tandaan na ang lahat ng mga ito ay limitado lamang at nauubos. At kapag naubos o nasira, ang pangunahing maapektuhan ay tayo rin na mga tao.
Isyung Pangkapaligiran Halimbawa At Kahulugan Nito
Ano Ang Mga Halimbawa Ng Isyung Pangkapaligiran? (Sagot)
ISYUNG PANGKAPALIGIRAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga halimbawa ng isyung pangkapaligiran at ang kahulugan nito.
Isa sa mga pinaka mahalagang isyung panlipunan na ating dapat bigyang pansin ay ang mga isyung pangkapaligiran. Ito’y mahalaga dahil iisa lamang ang ating mundo kinabibilangan. Dahil dito, dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran dahil ang ginagawa natin ay direktang makakaapekto dito.
Heto ang mga halimbawa ng mga isyu na dapat nating bigyang pansin:
Pagkalat Ng Basura – Ang problema natin sa basura o “solid waste management” ay isa sa mga isyu na lahat tayo ay maaaring makatulong na masolusyunan. Isa sa pinakamadali nating gawin ay ang simpleng pag tapon ng basura sa tamang lugar at hindi sa kung saan-saan lamang.
Pagmimina – Totoo nga na malaki ang nakikita sa pagmimina, subalit, ang mga taong nakakakuha ng pera dahil dito ay ang mga taong mayayaman na may kayang gumawa ng mga operasyon nito. Dahil sa kanilang mga gawain at hangaring magkaroon ng mas maraming pera, naapektuhan ang ating mga lupain at likas na yaman.
Dahil dito, nag dudulot ng mga landslide, pagkasira ng kapaligiran at kapunuan sa isang lugar.
Deforestation – Ang illegal na pagputol ng puno ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga kalamidad katulad lamang ng landslide at flash flood. Ayon sa mga experto ang pangunahing dahilan ng deforestation ay ang agrikultural na kaunlaran.
Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking industriya, nasisira ang ating mga kagubatan. Ito’y dahil hindi naiisip ng mga tao ang ating kapaligiran. Mas madali para sa kanila na hindi bigyang pansin ito at unahin na lamang ang pag-usbong ng teknolohiya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Kaibigan? – Halimbawa At Kahulugan Nito