Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Kaibigan?”
KAIBIGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang ating mga kaibigan at ang mga halimbawa nito.
Sa ating buhay, marami tayong makikilalang tao. Ilan sa kanila ay ating magiging mga kaibigan. Pero bakit nga ba mahalaga ito?
Ating masasabi na ang isang kaibigan ay para na ring pamilya sa labas ng ating tahanan. Katulad din ng ating mga pamilya, maaari silang mahihingan ng tulong sa mga oras na ika’y nangangailangan.
Malalaman mo rin na tunay ang isang kaibigan dahil hindi ka nito iiwanan sa oras ng kagipitan. Bukod dito, ang mga kaibigan natin ay maituturing na kasangga sa ating buhay.
Dahil sa ating mga kaibigan, tayo ay mas makakakilala kung sino nga ba tayo. Ito’y dahil mas komportable tayo sa ating mga kaibigan at lumalabas ang ating tunay na pagkatao.
Atin ding masasabi na ang ating mga kaibigan ay mahalaga dahil hindi sa lahat ng panahaon ay andiyan ang ating pamilya. Kadalasan, sila ang ating tinatakbuhan kapag hindi natin kayang ipahayag sa ating pamilya ang ating mga nararamdaman.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Karapatang Makipagugnayan Halimbawa At Kahulugan Nito