Pangangailangan Ng Tao – Ano Ang Mga Pangunahing Pangangailangan?

Halimbawa ng mga pangangailangan ng tao at bakit nila kailangan ang mga ito.

PANGANGAILANGAN NG TAO – Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangunahing pangangailangan ng isang tao.

Ang mga tao ay may mga pangangailangan upang mabuhay ng maayos, mahaba, masaya, at may kapayapaan. Habang umuusad at umuunlad ang buhay ng isang tao, ang kanyang mga pangangailangan ay nagbabago.

Pangangailangan Ng Tao

Ang mga basic needs ng isang tao ay ang mga sumusunod:

  1. Pagkain at Kasuotan
  2. Tahanan o Bahay
  3. Kaalaman o Edukasyon
  4. Hanapbuhay o Pagkakakitaan
  5. Kaligtasan
  6. Libangan
  7. Kalusugan

Samantala, ayon kay Abraham Maslow, isang humanistic psychologist, ang pangangailang ng isang tao upang mabuhay ay nakasalalay isa iba’t ibang pamantayan. Sa kanyang teorya na Maslow’s Hierarchy of Needs, ang pinakatuktok ng piramide ay maaring makamit lamang kapag ang ibang mga pangangailangan ay natutugunan.

Mula sa ibaba pataas, ito ang mga kailangan:

  • Physiological Needs o ang mga pagkain at damit na kapag hindi nakuha ay maaring humantong sa pagkakasakit o pagkamatay
  • Safety Needs o ang seguridad na pagkakakitaan at hanapbuhay at kaligtasan mula sa karahasan
  • Love and Belonging Needs o ang pagkakaroon ng pamilya at mga kaibigan dahil kailangan ng isang tao na may kasama sa buhay sapagkat hindi niya kayang tugunan ang kanyang mga needs ng mag-isa
  • Esteem o ang pagkamit ng respeto sa sarili at para sa iba, pagkilala, kalakasan, at kalayaan ng isang tao
  • Self-actualization o ang pagpapatunay ng sa sarili ng isang tao na may kaugnayan sa kung ano ang nais niyang maging – ang kanyang kaganapan ng pagkatao

Ang mga pangangailangan ay kaiba sa mga kagustuhan ng tao. Ang mga ito ay ang mga bagay na dapat mayroon ang isang tao dahil hindi nila kaya na mabuhay kung wala sila ng mga bagay na ito.

Sa kabilang banda, ang kagustuhan ay ang mga hangarin ng isang tao o luho. Ang mga bagay na ito ay hindi gaanong mahalaga pero nakakapagbigay ng higit na kaligayan sa kanila.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment