Alamin ang mga katangian ni Crisostomo Ibarra ng “Noli Me Tangere”.
CRISOSTOMO IBARRA KATANGIAN – Isa sa mga pangunahing karakter ng “Noli Me Tangere” ay si Crisostomo Ibarra at ito ang kanyang katangian.
Ang klasik na nobelang “Noli Me Tangere” ay isinulat ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Napakaraming mga tauhan ang bumubuo ng kwento at ang bawat karakter ay may mahalagang bagay na sinisimbolo sa lipunan.
At sa kwento, isa sa mga pangunahing karakter ay si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin Crisostomo Ibarra, ang nag-iisang anak at tagapag-mana ni Don Rafael Ibarra. Nanggaling siya sa isang mayamang pamilya at dahil sa kanilang yaman, nagawa niyang makapag-aral sa Europa. Namalagi siya ng matagal na panahon sa banyagang bansa upang mag-aral at matapos ang maraming taon, bumalik siya sa kanyang bayan na patay na ang kanyang ama.
Ang kanyang pangarap ay makapagpatayo ng paaralan para sa mga bata ng kanyang bayan na magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Sa kanyang pagbalik ay muli rin niyang nasilayan ang kanyang kasintahan na si Maria Clara. Si Maria Clara ay anak-anakan ni Kapitan Tiago dahil ang kanyang totoong mga magulang ay si Pia Alba at Padre Damaso.
Sa kwento, siya ay naging eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang Pransiskanong prayle na si Damaso. Ang mga tao ay nagalit sa kanya. At bilang isang biktima ng pagkakataon, siya ay nadawit din sa isang pag-aalsa na nag-ugat ng pagtugis sa kanya ng mga kinauukulan.
Si Ibarra ay hindi lamang matalino at madiskarte. Siya ay mayroong matatag na pag-iisip at paninidigan. Marami siyang alam at magaling sa pakikipagkapwa-tao. At sa kabila ng kanyang mga mabubuting katangian ay ang mga hindi kagandahan tulad ng pagiging mapaghiganti at mapagtanim ng sama ng loob.
Matapos ang lahat ng mga masasamang nangyari sa kanya ay ninais niyang makamit ang nararapat na hustisya sa anumang paraan.
READ ALSO:
- Ano Ang Katarungang Panlipunan? (Kahulugan At Mga Paglabag)
- Lalawiganin Halimbawa – Mga Halimbawa Ng Salitang Lalawiganin
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.