Ano Ang Katarungang Panlipunan? (Kahulugan At Mga Paglabag)

ANO ANG KATARUNGANG PANLIPUNAN – Alamin ang kahulugan ng katarungang panlipunan at ang mga bagay na lumalabag dito.

Ang katarungang panlipunan ay nakasaad sa Bill of Rights. Ito ang mga bagay na nagbibigay proteksyon sa kaligtasan ng mga tao. Ito ang kailangan ng isang bansa upang makabuo isang sibilisadong bansa.

Katarungang Panlipunan – Mga Paglabag At Mga Halimbawa

Ano ang mga paglabag ng katarungang panlipunan at mga halimbawa nito?

KATARUNGANG PANLIPUNAN – Ito ang kahulugan ng katarungang panlipunan, mga paglabag dito, at mga halimbawa.

Ang katarungan ay pagbibigay ng mga bagay na nararapat sa kapwa. Ang pagiging makatarungan ang malimit na indikasyon ng pagpapakita ng pagmamahal sa ibang tao ng isang lipunan kung saan ikaw ay nabibilang.

Katarungang Panlipunan

Ang pagiging makatarungan ay pagiging masunurin sa Likas na Batas Moral. Ang pamilya ang simula ng katarungan at dahil dito, mahalaga ang ginagampanan ng pamilya sa pagiging makatarungan ng tao.

At ang katarungang panlipunan ay ang pagkakapantay-pantay ng mga tao at pagtungo sa kabutihan na panlahat. Maraming aspeto ang dapat isaalang-alang tulad ng pampolitikal at pang-ekonomiya.

Ito rin ang nagbibigay proteksyon sa mga tao o mamamayan laban sa karahasan o anumang kasamaan.

Ilang mga halimbawa nito:

  • libreng edukasyon
  • regulasyon sa presyo ng bilihin
  • libreng pagamutan at iba pa

Ayon sa Katipunan ng mga Karapatan o Bills of Rights:

  1. Artikulo III seksiyon 1: “Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ariarian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.”
  2. Artikulo III seksiyon 2 na “Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.”
  3. Artikulo III seksiyon 3 na “Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinakda ng batas.  Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon.”
  4. Artikulo III seksiyon 4 na “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.”
  5. Artikulo III ng seksiyon 5 na “Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito.  Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili.   Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika.”

Ano ang mga gawaing lumalabag dito?

  • Pagpataw ng parusa nang hindi dumadaan sa paglilitis.
  • Pagdakip kahit walang warrant of arrest.
  • Paglagay ng batas sa sariling kamay at hindi paggamit ng wastong proseso.
  • Pagtakip sa katotohanan gamit ang pera at kapangyarihan.
  • Hindi pagpapaaral sa mga anak.
  • HIndi sumusunod sa batas trapiko.
  • Hindi inaamin ang kasalanan.
  • Hindi wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment