Ano Ang Lingua Franca? (Kahulugan Ng Lingua Franca)

ANO ANG LINGUA FRANCA – Sa Pilipinas, ang wikang Tagalog ang itinuturing na lingua franca at ito ang ibig sabihin nito.

Ano ang ibig sabihin ng lingua franca? Ang Tagalog ay ang lingua franca ng Pilipinas dahil kahit iisang bansa lang tayo, ang bawat isla ay may kanya-kanyang diyalekto. Pero sa daigdig, ang lingua franca ay English para sa mas madaling pakikipagkomunikasyon sa iab’t ibang lahi. Ito ang kahulugan ng lingua franca.

Lingua Franca Kahulugan – Kahalagahan at ibig sabihin ng Lingua Franca

Pagtalakay ng Lingua franca, kahulugan nito at iba pang tawag nito.

LINGUA FRANCA KAHULUGAN – Kasagutan sa kung ano ang kahulugan ng lingua franca at ang lingua franca ng Pilipinas at daigdig.

Ang lingua franca ay ang salita na ginagamit ng lahat ng tao para magkaintindihan at makipagtalastasan dahil nagkakaiba sa katutubong wika o dayalekto na gamit. Sa Ingles, ito ay tinatawag rin na bridge language, common language, trade language, auxiliary language, vehicular language, at link language.

Sa Pilipinas, ang ating lingua franca ay ang wikang Tagalog o Filipino. Samantala, ang lingua franca naman ng daigdig ay Ingles. Ang maayos na pakikipag-usap at pakikipagtalastasan gamit ang iisang lingguwahe ay nagbubunga ng maayos na komunikasyon at koneksyon sa bawat indibidwal. May pagkakaintindihan at malayang nasasabi ng isang tao ang kanyang saloobin dahil nainiintindihan ito ng kanyang kausap gamit ang lingua franca.

Mga kahalagahan:

  • Sinasalita at ginagamit ng nakararami.
  • Para mas maintindihan ang mga dayuhan na napupunta sa bansa.
  • Para magkaintindihan ang lahat saan mang panig ng daigdig sila gamit.
  • Mas madali at mas mabilis ang pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Sa Pilipinas, mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino. Ang bansa ay binubuo ng mga pangkat na may iba’t ibang diyalekto tulad ng Waray, Ilonggo, Bisaya, Cebuano, at iba pa. Kaya ang pag-aaral ng Filipino ay mahalaga dahil ito ang magiging susi ninuman para maintindihan kahit saang lugar ng bansa man siya mapunta.

Inaasahan rin na nauunawaan at kayang salitain ng lahat ng tao ang wikang Filipino at ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas. Sinisimbolo rin nito ang ating pagkakaisa bilang isang bansa. Itinuturo ito sa mga paaralan at ginagamit ito pang-akademiko, pampolitika, pangnegosyo, at iba pang mga domain.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment