SALAWIKAIN HALIMBAWA – Ang salawikain ay mga maiiksing pangungusap na may kahulugan at karunungan. Basahin ang ilang halimbawa!
Ang salawikain ay may pagkakatulad sa kawikaan, kasabihan, wikain, at sawikain. Lahat ng ito ay nagawa upang magbahagi ng mga aral na magagamit ng mga tao sa kanilang buhay. Ito ang ilang mga halimbawa na tungkol sa pamilya.
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – Mga Salawikain Tungkol Sa Pamilya
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – Mga Salawikain Tungkol Sa Pamilya
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – Narito pa ang mga iba’t iba pang mga halimbawa ng salawikain na tungkol sa pamilya.
Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
Sa paksang ito, magbabasa tayo ng mga salawikain tungkol lahat sa pamilya na mula sa website na Panitikan:
- “Ang kaanak ay parang tala sa kalawakan. Maaaring napakarami nila, ngunit wala ka nang mahahanap na katulad nila dahil wala nang ibang sila.”
- “Ang magandang tahanan ay hindi nakikita sa magandag gusali at mga palamuti. Nakikita ito sa kagandahan ng pagsasama ng pamilyang nasa loob nito.”
- “Ang pagiging magulang ay hindi natatapos sa pagluwal ng anak. Mas nasusukat ito sa kung anong uri ng pagpapalaki ang ginawa mo para sa biyayang ibinigay sa iyo.”
- “May ilang pagkakataon na ang pamilya ay hindi nababatid sa dugo, kung hindi sa kung paano ka makitungo sa isang tao.”
- “Hindi mo malalaman ang tunay na diwa ng pag-ibig kung hindi mo ito nakita sa iyong pamilya.”
- “May mga pagkakataong nais nating umalis sa ating mga pamilya. Ngunit ang hanap pa rin natin paglabas ng tahanan ay isa pa ring uri ng pamilya mula sa iba. Hindi tayo mabubuhay nang walang pamilya.”
- “Ang pinakamagandang pamanang maibibigayng isang magulang sa kaniyang mga anak ay ang paglalaan ng oras para sa mga ito araw-araw.”
- “Hindi mo mapipili ang isang pamilya. Isang biyaya ito ng Panginoon sa sinuman at isang uri panghabambuhay na responsibilidad”
- “Biyaya mula sa Maykapal ang isang anak. Ngunit isang bihirang kayamanan ng magulang ang magalang at madisiplinang mga supling.”
- “Isa sa mga pinakamatatatag na relasyong magkakaroon tayo sa ating buhay ay ang ating mga pamilya.”
BASAHIN DIN: 25 Pang Halimbawa Ng Mga Kasabihan