ANO ANG PANUTO – Alamin ang kahulugan ng panuto at ang mga kahalagan ng mabusising pagsunod nito.
Panuto – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Panuto At Mga Kahalagahan Nito
Ito ang kahulugan ng panuto at ilang mga kahalagahan nito.
PANUTO – Bakit mahalaga ang panuto at ano ang mga kahalagahan nito? Alamin ang kasagutan at ang ibig sabihin ng panuto.
Ang panuto ay “tagubilin, gabay, o direksyon” kung paano gawin ang isang gawain. Nangangailangan na ito ay dapat sundin upang magawa ang gawain ng maayos, tama, tiyak, at matapos ito sa mas maikling panahon.
Ito ay may dalawang uri:
- pabigkas
- pasulat
Bakit mahalaga ang pagsunod nito?
- Magagawa ng tama ang mga dapat gawin.
- Makakagawa ng mga pagtugon nang may katiyakan at kaayusan.
- Ito ay nagpapatunay na inunawa mo ang iyong binabasa.
- Ang hindi pagsunod ay maaring magresulta ng pagkakamali at kaguluhan.
- Mas mabilis ang paggawa ng gawain.
- Ang hindi pagsunod ay nagpapakita ng kamangmangan o pagwawalang-bahala.
- Maraming pagkakamali ang maaring maging bunga ng hindi pagsunod.
Mga halimbawa na madalas mong nakikita sa mga pagsusulit:
- Piliin ang letra ng tamang sagot.
- Bilangin at ibigay ang mga katumbas na bilang ng mga nasa larawan.
- Isulat ang wastong sagot sa hiwalay na papel.
- Bilangin ang mga nakalarawang bagay at piliin ang letra na may katumbas na bilang nito.
- Basahin at unawain ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
- Bilugan ang letra ng tamang sagot.
- Salungguhitan ang pangngalan sa pangungusap.
- Isulat ang letrang T kung Tama ang pahayag at M naman kung Mali.
- Ibigay ang kaibahan at pagkakatulad ng mga konsepto gamit ang Venn Diagram.
- Isulat ang letra ng tamang pagkakasunod-sunod nga pagluto ng Leche Flan.
- Magtala ng limang kahalagahan ng wika.
Ang panuto ay ipinapakita o nagsasaad ng tamang gawin at dahil dito, dapat lamang na ito ay sundin.
READ ALSO:
- Types Of Nouns – What Are The Different Types Of Nouns?
- What Is Quantitative Research Design & Its Data Gathering Methods
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.