Palayaw Ni Jose Rizal – Ano Ang Palayaw Ng Pambansang Bayani?

Ano ang palayaw ni Jose Rizal at ang kwento ng kanyang buhay?

PALAYAW NI JOSE RIZAL – Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas at ito ang maikling pagtanaw sa kanyang buhay.

Isa sa mga bayani na hindi gumamit ng dahas upang ipagtanggol ang bansa sa mga mananakop ay si Dr. Jose Rizal. Imbes na gumamit ng sandata, ang kanyang ginamit ay tinta, papel, at kanyang mga salita.

Palayaw Ni Jose Rizal

Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda at ang kanyang palayaw ay Pepe.

Ang kanyang pangalan na Jose ay galing sa pangalan ng ama ni Hesus  na si San Jose o Joseph. Sa Latin at Kastila, ang Joseph ay pater putativus na may abbreviation na  P.P. at sa ating wika, kung ito ay babasahin, ang dalawang titik ay mababasa na “Pe Pe” at sinasabi na dito nagsimula ang kanyang palayaw.

Siya isinilang noong Hunyo 19, 1861 ay bininyagan sa Simbahang Katoliko noong Hunyo 22, 1861. Si Padre Rufino Collantes, isang Batangueno, ang nagbinyag sa kanya. Si Padre Pedro Casanas, isang taga-Calamba, ang kanyang ninong.

Siya ang ikapitong anak ni Francisco Mercado at Teodora Alonso. Nasa limang taon na siya nang natutu siyang bumasa ng kwento sa Kastila at magdasal. Noong walong taong gulang siya ay sumulat siya ng tulang pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata”.

Noong bata si Pepe ay mmadalas siyang kutyain dahil sa kanyang kaliitan pero hindi siya nagpapatalo sa mga pangungutyang ito. Nagpamalas siya ng natatanging katalinuhan na hindi pangkaraniwan.

Si Rizal ay kilala sa kanyang mga nobela na Noli Me Tángere (Touch Me Not) at El filibusterismo (The Reign of Greed). Sa pamamagitan ng mga nobelang ito, isiniwalat niya ang karahasan, korupsiyon, at ang masasamang gawa ng mga prayle at opisyal na Kastila.

Ito ang mga pangalan ng mga babae na nagpatiibok ng kanyang puso:

1. Segunda Katigbak
2. Leonor Valenzuela
3. Leonor Rivera
4. Consuelo Ortiga y Rey
5. Seiko Usui
6. Gertrude Beckett
7. Suzanne jacoby
8. Nellie Boustead
9. Josephine Bracken

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment