Halimbawa Ng Payak Na Pangungusap – Ano Ang Payak Na Pangungusap

HALIMBAWA NG PAYAK NA PANGUNGUSAP – Maraming anyo ang pangungusap at sa araling ito, malalaman natin kung ano ang payak na pangungusap.

Ang isang pangungusap ay may iba’t ibang uri at anyo. Ang isang pangungusap ay maaring pasalaysay, patanong, pakiusap, pautos, at padamdam. Ito rin ay may iba-ibang anyo at sa araling ito, pag-aaralan natin kung ano ang payak na anyo ng pangungusap at mga halimbawa nito.

Payak Na Pangungusap – Mga Halimbawa Ng Payak Na Pangungusap

Ano at paano bumuo ng payak na pangungusap? Magbigay ng halimbawa.

PAYAK NA PANGUNGUSAP – Pagbigay kahulugan kung ano ang pangungusap na payak at ilang mga halimbawa nito.

Ang pangungusap ay tumutukoy sa salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa. Ang pangungusap ay mayroong iba’t ibang uri katulad ng pagpapahayag, pagtatanong, pag-uutos, o pagbulalas tungkol sa isang bagay o ideya.

Payak Na Pangungusap

(Basahin: Rin at Din Sa Pangungusap – Ano Ang Pinagkaiba at Mga Halimbawa)

Mayroong simuno at panaguri ang isang pangungusap. Ang isang pangungusap ay palagiang nagsisimula sa malaking titik ang unang salita, at nagtatapos sa pamamagitan ng isang bantas.

Ang iba’t ibang uri ng pangungusap ay:

  • PASALAYSAY
  • PATANONG
  • PAKIUSAP
  • PAUTOS
  • PADAMDAM

At ang isang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnayan, at langkapan. Maitutuoring na payak ang isang pangungusap kapag ito ay mayroong isa at buong diwa.

Narito ang iba’t ibang anyo ng pangungusap na payak:

  • PAYAK NA SIMUNO AT PAYAK NA PANAGURI (PS-PP)

Halimbawa:

  1. Si Karen ay kumakain.

PS – Si Karen
PP – ay kumakain

  1. Natutulog ang aso

PS – ang aso
PP – Natutulog

  • PAYAK NA SIMUNO AT TAMBALANG PANAGURI (PS-TP)

Halimbawa:

  1. Ang ilog ay malamig at malinis.

PS – Ang ilog
TP – ay malamig at malinis

  1. Ang guro ay minamahal at nire-respeto.

PS – Ang guro
TP – ay minamahal ay nire-respeto.

  • TAMBALANG SIMUNO AT PAYAK NA PANAGURI (TS-PP)

Halimbawa:

  1. Sina Cathy at Carol ay nag-uusap.

TS – Si Cathy at Carol
PP – ay nag-uusap

  1. Ang mga puno at halaman ay maganda sa mata.

TS – Ang mga puno at halaman
PP – ay maganda sa mata

  • TAMBALANG SIMUNO AT TAMBALANG PANAGURI (TS-TP)

Halimbawa:

  1. Ang mga aso at pusa ay naglalaro at kumakain ng sabay.

TS – Ang mga aso at pusa
TP – ay naglalaro at kumakain ng sabay

  1. Ang saging at kalabasa ay parehong masarap at masustansiya.

TS – Ang saging at kalabasa
TP – ay parehong masarap at masustansiya

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment