Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo? Ito ang kasagutan.
PARAAN AT DAHILAN NG PAGKONSUMO – Mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo at bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan.
Ang pagkonsumo ay ang “pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao”. Ito ang pangunahing dahilan kung saan nakasalalay ang uri at dami ng produkto na dapat ilabas sa mga pamilihan.
Ito ang mga iba’t ibang ibang uri ng pagkonsumo:
- Tuwiran o Direktang Pagkonsumo – kapag ang produkto o serbisyo ay agad na natugunan ang pangangailangan
- Produktibong Pagkonsumo – kapag ang produkto o serbisyo ay ginamit upang gumawa ng panibagong produkto
- Maaksayang Pagkonsumo – kapag ang produkto o serbisyo ay hindi nagamit o hindi naman kailangan
- Mapanganib na Pagkonsumo – kapag ang produkto o serbisyo ay nagdulot ng sakit, pinsala, o kapahamakan sa tao
- Lantad na Pagkonsumo – kapag ang produkto o serbisyo ay ipinapakita ang kakayahan ng isang tao
Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
- Pagbabago ng presyo
Kadalasan, ang konsumo ay mas mataas kapag ang presyo ay mababa. - Kita ng tao
Ang taong may mas malaking kita o sweldo ay mas mataas o mas malaki ang kakayahan sa pagkonsumo kumpara sa taong may mas mababang kita o sweldo. - Mga inaasahan sa darating na panahon
Ang inaasahan ay maaring masama o mabuti kaya ang pagkonsumo ay maapektuhan kasabay ang supply at demand ng mga produkto. - Mga utang o pagkakautang
Kapag ang isang tao ay may utang, magiging mababa ang kanyang pagkonsumo dahil may paglalaanan na siya ng kanyang pera. - Demonstration Effect
Ang mga tao ay naiimpluwensyahan ng kanilang mga naririnig at nakikita sa radyo, telebisyon, pahayagan, at internet.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.