Mga pampanitikang halimbawa at ang kahulugan ng pampanitikan na antas ng wika.
PAMPANITIKAN HALIMBAWA – Ito ang kahulugan ng pampanitikan na isang uri ng antas ng wika at mga halimbawa nito.
Mayroong limang (5) antas ng wika sa Filipino at ang mga antas na ito ang mga salita na ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na buhay.
Ang limang antas na ito ay:
- Pabalbal
- Kolokyal
- Lalawiganin o Panlalawigan
- Pambansa o Lingua Franca
- Pampanitikan
At sa aralin na ito, mas palalawakin natin ang pagkakaintindi tungkol sa pampanitikan. Ang antas na ito ay ang itinuturing na pinakamayaman at pinakamasining. Ang mga salitang mabubulaklak at mga matatalinhaga ay ang mga salitang kadalasan na ginagamit ng mga manunulat.
Ito ang mga salita na hindi direkta ang pagkakasabi tungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari dahil ang mga kadalsang ginagamit ay idyoma at tayutay.
Ang wikang ito ay malayang ginagamit sa mga dula, katha, palabas, at marami pang mga likha.
Mga halimbawa:
- Ilaw ng tahanan
- Haligi ng Tahanan
- Nasisiraan ng Bait
- Alagad ng Batas
- Mala-diyosa ang kariktan
- Sasakyang panglupa
- Katuwang sa buhay
- Sumakabilang-buhay
- Mabulaklak ang dila
- Di-maliparang uwak
- Kaututang dila
- Balat sibuyas
- Taingang kawali
- Nagbukas ng dibdib
- Mababaw ang luha
- Magbanat ng buto
- Bukas palad
- Magmamahabang dulang
- Kapit-tuko
- Malikot ang kamay
Ano ang kaibahan ng wikang pambansa at wikang pampanitikan?
Ang wikang pambansa ay ang mga salita na ginagamit sa mga babasahin, paaralan, pamahalaan, at iba pang mga uri na sentro ng kalakalan o sibilisasyon. Ito ang mga salita na nauunawaan ng lahat.
Ito ang mga halimbawang salita ng wikang pambansa:
- ina
- ama
- masaya
- dalaga
- aklat
- baliw
- malaki
- katulong
- kapatid
- magnanakaw
READ ALSO:
- What Is A Preposition, Its 5 Different Types & the Examples
- Adrian Cristobal – The Biography Of Late Veteran Journalist Adrian Cristobal
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.