PAGSASALING WIKA – Pag-alam at pag-aral sa proseso ng pagsasalin o ang pagsasaling wika at ang mga kahalagahan nito.
Proseso Ng Pagsasalin – Ano Ang Pagsasaling-Wika?
Ano ang aktuwal na proseso ng pagsasalin at ang layunin nito.
PROSESO NG PAGSASALIN – Pag-aralan ang kahalagahan ng pagsasaling-wika at ang wastong paraan ng pagsasalin.
Ang pagsasaling-wika ay “ang paglilipat sa pinasasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin. Ang layunin ng prosesong ito ay mas mapalawak ang kamalayan at kaalaman ng kaisipan ng ibang wika. Ito ay isa rin na paraan upang mas maging maalam tayo sa kultura ng iba at pagiging bukas na mas matuto pa.
Ito ang mga nakapaloob sa prosesong ito ng pagsasalin:
- Pagtutumbas
Ang paghahanap ng katapat na salita o pahayag sa wika na isinasalin. Angkop lamang ito sa mga isa-sa-isang tapatan. Ibig sabihin, ang mga parirala o pangungusap na isinasalin ay karaniwang naiiba abg pokus
Mga halimbawa sa pagsalin ng mga salitang Filipino sa Ingles:
- ama – father
- ina – mother
- pahintulutan – authorize
- maganda – pretty
- mayaman – rich, wealthy
- Panghihiram
Ito ay ginagamit kapag ang salitang kailangan ay wala sa angking bokabularyo at ito ay lumagan noong sinakop ang bansa ng mga Espanyol. Ang katutubong wika ay napasukan ng mga wikang Espanyol at ilan sa mga salitang ito ay walang katumbas sa wikang katutubo
Mga halimbawa ng hiram na salita:
- dyip – jeep
- konsepto – concept
- kompyuter – computer
- iskrip – script
- telebisyon – television
- Pagsasaling pa-idyomatiko
Ito ang mga salita o parirala na ngkaroon ng mga partikular na kahulugan dahil sa mga kadahilanang paniniwala, saloobin, at kaugalian.
Mga halimbawa:
- masiraan ng bait – to lose one’s sanity
- butas ang bulsa – no money
- hindi mahulugan ng karayon – very crowded
- to give a hand – tumulong
- a piece of cake – madali
- Adapsiyon
Ang pagsalin ng tuwiran na ginagamit kapag kailangan na kailangan. Ito ang pinakamalayang anyo sapagkat ang ibang mga salito o baybay ay malayo sa orihinal
Mga halimbawa:
- Fe – Iron
- op. cit. – opere citato (in the work already cited)
- et al – et alia (and other)
- vis-a-vis – face to face; in relation to; with regard to
- loc. cit. – loco citato (in the place cited)
- Pagsasaling Pampanitikan
Ang pag-aangkop ng akdang pampanitikan sa bagong kalagayan Ibig sabihin, ang pagsasalin ay kinakailangan na nagtataglay rin ng katangian, estilo, at himig kung kaya’t ito ay msyadong maselan.
READ ALSO:
- Amelia Lapena Bonifacio – Life Story, Works, and Achievements
- London Bridge Is Down: Here’s Its Meaning
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.