Lila Ang Kulay ng Pamamaalam Ni RM Topacio-Aplaon

Tungkol sa akdang Lila Ang Kulay ng Pamamaalam.

LILA ANG KULAY NG PAMAMAALAM – Ang pangkalahatang-ideya tungkol sa Lila Ang Kulay ng Pamamaalam ni RM Topacio-Aplaon.

Ang nobelang “Lila Ang Kulay ng Pamamaalam” ni RM Topacio-Aplaon ay unang nai-publish noong January 1, 2015. Ang may-akda ay galing sa Imus, Cavite, at mayrron itong dalawang libro na isnulat.

Lila Ang Kulay ng Pamamaalam

Ang isa ay Muling Nanghaharana ang Dapithapon (Dusk Serenades Again) na na-publish noong 2018 sa University of the Philippines Press. Ang iba pang libroio na kanyang nagawa ay Topograpiya ng Lumbay (Topography of Grief), At Night We Are Dancers (ang kanyang unang libro na naisulat sa english) at marami pang iba.

Pero ang nobelang ito ay isa sa kanyang mga libro na nakatanggap ng mga parangal at pagkilala tulad ng:

  • National Book Awards shortlist
  • Madrigal-Gonzales First Book Award shortlist
  • Gawad Gintong Aklat by the Book Development Association of the Philippines runner-up

Basahin ang overview sa kwentong ito:

May lalaki. May babae. Pero hindi ’to k’wento ng pag-ibig. Ng romantikong pag-ibig. Para sa sumulat, ito ay k’wento ng pamamaalam, ng pagyakap at pagtanggap sa buong konsepto nitong binalot ng realidad ng seksualidad, mga ’di naipadalang liham, at mga panaginip na nakaangkla sa mga gunita ng nakalipas.

Pero baka sa’yo, bilang mambabasa, iba ang kahulugan ng nobelang ‘to.

Balikan ang naglahong alindog ng Imus sa saliw ng gimig ni Ely Buendia at ng Eraserheads, ng mga awit ng The Beatles at ni Morrissey, ng pighati at paglalambing ni Coltrane, Ellington, at Davis, ng walang kapares na tinig ni Rico J. Puno at panulat ni Rey Valera, ng kapayakan at aesthetisismo ng dekada ’90, at ng latay na pakikipagtipan ng 1956 Sori Yanagi Butterfly stool sa blankong C120 cassette tape para mabigyang sagot ang ‘sang tanong na kumakalmot sa eskinita ng lumbay:

ANO NGA BA TALAGA ANG KULAY NG PAMAMAALAM
?

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment