Ano ang paghahambing at mga uri ng paghahambal? Alamin.
PAGHAHAMBING – Ano ang kahulugan ng paghahambing at mga uri nito? Magbigay ng mga halimbawang pangungusap nito.
Ang aksyon o gawain ng paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng isang tao, bagay, hayop, ideya at pangyayari. Sa Ingles, ito at tinatawag na “comparison”.
Ito ay may dalawang uri: magkatulad (paghambing sa dalawang bagay na magkapareho)at di magkatulad (paghambing sa mga bagay na may magkaibang antas o mga katangian).
Mga Halimbawa ng Magkatulad:
- Magkasing-tangkad lang si Peter at si Ella kaya sila ay ginawang pares sa sayaw.
- Magkasing-kahulugan lamang ang dalwang salita na ‘yan.
- Ang buhok namin ni Helena ay magkasing-haba lamang.
Mga Halimbawa ng Di-Magkatulad:
- Mas matangkad pa ako sa iyo, Peter.
- Hindi totoo ang sinabi niya, mas mahal kita Ella.
- Mas malayo ang bahay ko sa bahay mo.
Malalaman na magkatulad ang dalawang bagay na inihahambing kapag ang mga salitang kasing, sing, kapwa, at magkapareho ay makikita sa pangungusap.
May dalawang kategorya naman sa uri ng di magkatulad – ang pasahol at palamang. Ang mga salitang lalo, di gaano, di gasino, di lubha, at di totoo ay ginagamit sa paglalarawan ng dalawang bagay o higit pa na di magkatulad.
Ang paraan ng paghambing ay nagbibigay ng linaw sa paksa at mas maipaliwanag ang magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. At sa araw-araw, ito ay ginagamit at sinasalita ng mga tao.
Ginagamit din ito sa paggawa ng desisyon at pagpili tulad ng kung ano ang gagamitin, ano ang susuotin, saan pupunta, ano ang kakainin, at marami pang iba. Ito ay parte na ng buhay at pananalita ng mga tao.
READ ALSO:
- Mayo 10 1897 – Ano Ang Mahalagang Pangyayari Noong Mayo 10, 1897?
- Tula Tungkol Sa Bulaklak – Mga Halimbawa
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.