Tula Tungkol Sa Bulaklak – Mga Halimbawa

Basahin ang ilang mga tula tungkol sa bulaklak. Ito ang ilang mga halimbawa.

TULA TUNGKOL SA BULAKLAK – Basahin ang ilang halimbawa o komposisyon ng mga tula na ang paksa ay tungkol sa bulaklak.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may masining at makata na paraan upang maipahayag ang damdamin, isang bagay, isang tao, o ang isang pangyayari. Ang manunulat ay may kalayaan na itala ang mga ito gamit ang wika na gusto niya at anyo at istilo na naisn iyang gamitin.

At ang isang tula ay maaring magbigkas ng isang bulaklak. Ang isang bulaklak ay maaring isang simpleng halaman lamang o bagay pero sa iba, ito ay may malalim na representasyon o pagpapakahulugan.

Basahin ang ilang mga tula na ang paksa ay tungkol sa bulaklak

Bulaklak

Sa tuwing ikay pinagmamasdan
Lahat sa paligid ay gumagaan
Sa masalimuot na hardinan
Kakaibang birhen na nilalang

Bulaklak ka ng buhay
nagsisilbing gabay
laging masayang sumasabay,
Sa dakilang pagbabaybay

ang mabango mong halimuyak
Sa akin ay nangungusap;
mahigpit na mga yakap
kadenang magsusumikap

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sabay tayong dalawang tunay na magkaliyag
simbolo ng pagibig, pag ibig na bitag

di malalanta pag ikaw ay kapanig
di mag mamaliw pag namumukadkad ang tinig
didiligan ng tubig ; tubig ng pagibig
ang bulaklak kong liyag laging bukang bibig

bulaklak, o mahal kong bulaklak
ikaw sa puso ko; ang aking kabiyak
sa lahat ng panahon ikaw mamumukadkad
di hahayaang pigtasin nang mga taong huwad

Bulaklak at Libro

Pitasin mo ako,
At ilagay mo ako sa gitna mo at isara mo ito.

Alam ko,
Alam ko na hindi ko lugar Ito.
At sabi nila na akoy nararapat kung saan akoy pwedeng mabasa at masilawan ng araw.
Kung Saan akoy pwedeng mabuhay, at maalagan.

Pero, paano ako mabubuhay kung akoy nawawalay sa piling mo.

Alam ko, na ako ay mabubuhay sa piling mo,
Akoy nararapat na kasama mo, hahayaan ko ang pagmamahal mo ang bumasa saakin, at ang mga ngiti mo ang sumilaw saakin, parang araw sa umaga, sa hapon at hangang sa magdilim.
At hangang mag bukang liwayway.

Ako ay isang bulaklak, na pinitas ng isang umiibig na binatang lalake at ikay isang libro na Pag aari ng isang dalagang babae na sinisinta.

Kaya uulitin ko,

Pitasin mo ako,
Ilagay mo ako sa gitna ng mga pahina,
Sa gitna kung saan nakahimlay ang puso mo.
Doon akoy mananatili para sayo.

Ang Bulaklak

Sa mayamang lupa mayroong sumilip Na
halamang lunti’t anong pagkaliit,
Pilit tumataas at nais mabatid Ang
ano at dahil ng munting daigdig.

Hindi nga naglaon at naging malusog
Lumaki at saka nagkabukong lubos…
Bukong di maabot ng araw at unos
At himbing na himbing sa pagkakatulog.

Ngunit napasok din ng sinag ng araw
Ang tulog na buko at saka pinukaw,
Binating masigla at pinagsabihang
Gumising at masdan ang lupang ibabaw.

Kaya’t munting buko dito’y napahantad
Sa init ng araw ay kukurap-kurap,
Nakita ang langit na napakalawak
At mga naglipad na mga kulisap.

Hinagkan ng hangin ang mga talulot
At sa pagbukadkad ay agad nagsabog
Ng bangong matamis sa buong palibot
Bangong sinisinta ng mga bubuyog.

To the Flowers of Heidelberg (by Jose Rizal)

Go to my country, go, O foreign flowers,
sown by the traveler along the road,
and under that blue heaven
that watches over my loved ones,
recount the devotion
the pilgrim nurses for his native sod!
Go and say  say that when dawn
opened your chalices for the first time
beside the icy Neckar,
you saw him silent beside you,
thinking of her constant vernal clime.
Say that when dawn
which steals your aroma
was whispering playful love songs to your young
sweet petals, he, too, murmured
canticles of love in his native tongue;
that in the morning when the sun first traces
the topmost peak of Koenigssthul in gold
and with a mild warmth raises
to life again the valley, the glade, the forest,
he hails that sun, still in its dawning,
that in his country in full zenith blazes.
And tell of that day
when he collected you along the way
among the ruins of a feudal castle,
on the banks of the Neckar, or in a forest nook.
Recount the words he said
as, with great care,
between the pages of a worn-out book
he pressed the flexible petals that he took.

Carry, carry, O flowers,
my love to my loved ones,
peace to my country and its fecund loam,
faith to its men and virtue to its women,
health to the gracious beings
that dwell within the sacred paternal home.

When you reach that shore,
deposit the kiss I gave you
on the wings of the wind above
that with the wind it may rove
and I may kiss all that I worship, honor and love!

But O you will arrive there, flowers,
and you will keep perhaps your vivid hues;
but far from your native heroic earth
to which you owe your life and worth,
your fragrances you will lose!
For fragrance is a spirit that never can forsake
and never forgets the sky that saw its birth.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment