Mga halimbawa ng mga tula tungkol sa pagbasa. Basahin dito!
TULA TUNGKOL SA PAGBASA – Basahin ang ilang halimbawa ng mga tula tungkol sa pagbasa at ang kahulugan nito.
Ang tula ay isang uri ng panitikan na may ritmo at metro. May iba’t ibang anyo ang isang tula at ang mga ito ay: Tulang Damdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.
Ang isang tula maaring maging tungkol sa isang bagay, tao, hayop, o pangyayari. At sa araling ito, mababasa natin ang ilang mga tula tungkol sa pagbasa.
Basahin ang ilang mga halimbawa:
Kayo ba ay mahilig magbasa?
Noong tayo ay pumasok sa eskwelahang ito
Ang nais na natin ay matuto
pero kinakailangan muna’y tayo magbasa ng libro
Noong bata pa ako tinanong ko kay ama
“Bakit ba kailangan matutong magbasa?”
Ngumiti si ama at sinabi niya,
“Nagbabasa tayo anak para sa magandang buhay Inaasahan natin na matupad ang ating pangarap na gusto nating makamit.
Kahit na tayo ay makabago na
Kailangan buhay parin ang pagbabasa
Halina at sabay-sabay tayong bumasa at sabay-sabay tayong mangarap.
Ang ating malakas na imahinasyon na walang limitasyon
Lagi tayo natututo at natutuwa kapag tayoy nag babasa
Sa ating buhay lagi tayongmay binabasa ang oras ang dyaryo pati narin ang aklat o libro
Kung ikay di magbasa nga nga ang iyong salitaKayat pagbasa susi sa magandang kinabukasan
Minsang kaarawan, ako ay ginulat
Ng mga regalong sa aki’y tumambad.
Sari-saring kahong makulay, makintab;
Iba’y may laso pang mayumi ang kindat.
Agad itong pinunit palarang pabalat.
At bawat buksan ko, ngiti ko’y lumigwak.
May mga manyika at tasa-tasahan,
Sari-saring plastic, metal na laruan.
Sa bunton ng tuwa’y napansin ko agad.
Sa kailaliman, may iba sa lahat.
Regalo sa akin ni Nanay at Tatay.
Manipis, malapad: isa palang aklat!
Matapos mahapo sa mga laruan,
Ako ay nahiga doon sa pagitan.
Aklat ay masuyong binuklat ni Nanay
At kuwento’y binasa sa akin ni Tatay.
Ang bawat salita’y nagsayaw, lumundag;
At saka nagpinta ng mga larawan.
Bukod pa sa mga masaya’t matingkad
Na tagpo sa kuwentong doo’y nakalimbag.
Gabi-gabi, kuwento’y aming binabasa.
Paulit-ulit man ang pagsasalaysay;
Lugod ko sa aklat ay hindi kumupas.
Ang pananabik ko ay laging matingkad.
Ang totoo’y lalo ko pa ngang hinangad
Ang iba pang kuwento, at iba pang aklat.
Ang lagi kong ungot sa mga kaanak:
Gusto ko ng aklat! Aklat, aklat, aklat!
At magmula noon, aklat ko’y dumami
Hanggang sa matutong bumasang mag-isa.
May librong manipis, may librong makapal,
Sari-saring paksa ang handog na aral.
May aklat ng kuwento; aklat ng pagbilang.
May aklat ng agham; at ng kasaysayan.
Ngunit malaki man, manipis, makapal;
Bawat isa’y hitik sa aliw at aral.
At natuklasan ko: Kay sarap magbasa!
Kay sarap maglakbay sa kung saan-saan:
Mga kontinenting malayo’t malapit,
Mga unibersong mahikal, marikit!
Kahit nakaupo o nakahiga lang,
Alinmang lupalop aking napapasyal;
Anumang panahon ang nais puntahan,
Nararating agad sa pagbasa lamang!
Ang mga manyika at tasa-tasahan
Ngayon ay sira na at lubhang marusing,
Ngunit bawat libro, kahit luma na rin,
May sariwang lugod sa tuwing babasahin.
At kahit ako pa’y lumaki’t tumanda,
Tuwa ko sa aklat ay hindi nagbawa.
Sa tuwing tatanungin ng regalong hiling:
Aklat, aklat, aklat! Ang gusto ko pa rin.
Bata pa lamang ay lubos ng namulat.
Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat,
Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat,
Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat.
Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin.
Madami din akong kakayahan na nais maangkin,
Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing.
Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin?
Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit.
Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit.
Naisip kong maging ****. kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit.
Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit.
Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na.
Siguro ako ay may isang malaking sumpa.
Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya.
Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
Tila ilog na walang katapusan,
Ang mga emosyong aking nararamdaman,
Walang preno, walang busina,
Walang tigil sa pag-agos ng malaya.
Akala ko’y walang humpay,
‘tong mga pinanghuhugutan sa buhay,
Ang halos lahat ay may hangganan,
Ang mga bagay nga pala’y may katapusan.
Sabihin mang ako’y makata,
Isang manununula,
Manunula kasama ang kanyang pluma,
Ngunit pluma nya’y wala nang tinta.
Tila ba binaon sa nakaraan,
Ang minsang nakahiligan,
Pilitin ma’y walang maisulat,
‘tong makatang naging salat.
Iyon ay kanyang alaala,
Naiisip sa bawat pagbasa,
Ng mga tulang sya din ang gumawa,
Mga tulang di nya na ngayon magawa.
READ ALSO:
- Konsepto Ng Pagkakaibigan Kahulugan At Halimbawa
- Ang Itim Na Kuting Story (Kwento Ni Natasha Vizcarra)
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.