Salawikain Tagalog: 20+ Halimbawa ng mga Kasabihan

SALAWIKAIN TAGALOG – Naghahanap ka ba ng mga halimbawa ng magagandang salawikain o kasabihan?

Isa sa mga kadalasang itinuturo sa paaralan ay mga kasabihan. May mga pagkakataon ring kailangan ng mga mag-aaral na magtala ng halimbawa ng mga salawikain o kasabihan.

SALAWIKAIN: 20+ Halimbawa Ng Salawikain O Kasabihan

20+ Halimbawa Ng Salawikain O Kasabihan

SALAWIKAIN – Narito ang higit sa 20 halimbawa ng salawikain o kasabihan na mapupulutan ng magandang aral.

Kadalasan, marami tayong mga salawikain o kasabihan na makikita sa paaralan o sa mga pampublikong lugar. Ito ay makukuhaan natin ng mga magandang aral na pwede nating gamitin sa totoong buhay.

Ang mga salawikain ay mga mabisang linya na mainam ituro lalong-lalo na sa mga bata. Hindi lamang ang kanilang intelektwal na aspeto ang maaari nitong palaguin kung hindi ay ang kabuuan pati na ang emosyonal na aspeto.

Salawikain

Narito ang mahigit sa 20 salawikain o kasabihan na mapupulotan ng magandang aral:

1. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.

2. Kapag may isinuksok, may madudukot.

3. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.

4. Kung may tinanim, may aanihin.

5. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.

6. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

7. Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.

8. Sala sa lamig, sala sa init.

9. Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.

10. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Leave a Comment