Ano Ang Tungkulin Ng Pamahalaan?

ANO ANG TUNGKULIN NG PAMAHALAAN – Kasagutan sa tanong tungkol sa mga mahahalagang tungkulin ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ang isang bansa ay kailangan ng isang pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Subalit bukod sa mga nabanggit, mas marami pang ibang mga tungkulin ang isang pamahalaan na kailangan nitong gampanan.

Tungkulin Ng Pamahalaan (Anu-ano ang mga ito?)

Anu-ano ang tungkulin ng pamahalaan?

PAMAHALAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung anu-ano ang mga tungkulin ng gobyerno.

pamahalaan

Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.

Nag-ugat ang terminong “pamahalaan” mula sa salitang bahala na may kahulugang pag-aako o responsabilidad, na dinagdagan ng mga panlaping pang- at -an.

Ilan sa halimbawa ng pamahalaan o gobyerno ay monarkiya, aristokarata, authoritarian, oligarkiya, diktador, demokratiko, unitaryo, federal, pampanguluhan at parliamentaryo.

Basahin: Ano Ang Pamahalaan? – Kahulugan At Halimbawa Nito

Maraming tungkulin ang ginagampanan ng isang gobyerno. Ngunit, ano nga ba ang mga ito?

Tungkulin ng gobyerno ay ang mga sumusunod:

  • Panatilihin ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan hindi lamang sa loob ng bansa gayundin sa buong teritoryo na nasasakupan nito.
  • Maghatid ng serbisyong medical at pangkalusugan
  • Paunlarin at patatagin ang larangan ng ekonomiya ng bansa.
  • Pagbigay ng libreng edukasyon lalo na sa elementarya at sekondarya.
  • Maging bukas sa impormasyon ang publiko sa lahat ng sektor ng lipunan lalo na kapag mayroong mga anomalya at isyu na kailangan ng malinaw na kasagutan.
  • Magbigay ng trabaho sa mga mamamayan.
  • Pagbibigay ng patas na hustisya na walang kinikilingan.
  • Tumugon sa mga sakuna o kalamidad.
  • Proteksyonan ang mga naaapi at pagtibayin ang karapatang pantao.

Sa kabilang dako, hindi lamang ang gobyerno ang may tungkulin para sa mamamayan. Tayong mga nasasakupan ay may kakayahan ring makiisa sa programa ng pamahalaan na layong tugunan ang problema at mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan.

Maliban sa mga nabanggit, ano pa sa palagay mo ang ibang tungkulin ng pamahalaan?

Ilahad ang iyong opinyon sa comment section sa ibaba.

Para sa karagdang kaalaman, wag kalimutang i-follow ang PhilNews.ph sa Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment