Ano ang mga dahilan na nagbigay daan sa unang digmaang pandaigdig? Alamin!
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG – Ito ang mga dahilan na nag-ugat at nagbigay daan sa kauna-unahang digmaang pandaigdig.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War 1 ay isang digmaan na naganap mula 1914 hanggang 1918. Ito ay sa gitna ng dalawang magkalabang alyansa at ang dalawang ito ay ang mga sumusunod:
- Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso, at Pransiya)
- Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya, at Italya)
At ang pinakasanhi ng pinagmulan ng malaking digmaay ay ang pagpaslang sa ni Gavrilo Princip kay Archduke Franz Ferdinand noong Hunyo 1914. Ang unang nagpahayag ng pakikidigma sa Serbiya ay ang Austriya-Unggarya at makalipas lamang ang ilang linggo, ang digmaan ay lumaganap sa buong mundo.
Ang ilang mga pangalang tawag sa digmaang ito ay “Ang Pandaigdigang Digmaan” (The World War), “Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat ng mga Digmaan” (The War to End All Wars), “Ang Digmaang Kaiser” (The Kaiser War), “Ang Digmaan ng mga Nasyon” (The War of the Nations), at “Ang Digmaan sa Europa” (The War in Europe).
Ito ang mga dahilang sanhi ng sigalot:
- Imperyalismo o ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga makapangyarihang bansa.
- Militarismo at Pagpapalakasan ng Armas kung saan mas pinapahalagahan ang mga bagay na may kaugnayan sa militar. Naging pamantayan rin ang kapangyarihang militar ng isang bansa kung gaano ito kalakas.
- Nasyonalismo kung saan nag-ugat ang malubhang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa.
- Pagbuo ng mga alyansa kung saan ang mga bansa ay nagkakampi-kampi dahil sa kanilang mga interes.
- International Anarchy
- Mga pandaigdig na krisis tulad ng Bosnian crisis, Panslavism, Moroccan crisis, at Balkan wars.
READ ALSO:
- Edgar Allan Poe Poems – What Are His Most Famous Poems?
- Cirilo F. Bautista Biography and Some Of His Famous Works
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.
Tama po ba yun