Dagli – Ano Ang Dagli At Magbigay Ng Ilang Halimbawa

Ano ang kahulugan ng dagli at basahin ang isang halimbawa nito.

DAGLI – Ang dagli ay mga kwentong mabilisang isinulat at ito ang mga ilang bagay na nais mong malaman tungkol dito.

Walang katiyakan kung kailan at kung paano nagsimula ang dagli dito sa Pilipins pero ito ay lumaganap sa bansa sa panahon ng mga Amerikanom sa unag dekada. Walang angkop na haba pero masasabi na ito ay isinulat ng madalian.

Dagli

Sinasabi na ang haba ay hindi dapat aabot sa haba ng isang maikling kwento. Ang mga manunulat na sina Inigo Ed Regalado, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario, Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos ay ilan sa mga tanyag na manunulat ng ganitong uri ng panitikan.

Ang mga mabilisang kwentong ito ay lumaganap noong taong 1902 hanggang 1930 ayon kay Rolando Tolentino. Sinabi naman ng pananaliksik ni E. Arsenio Manuel ito ay nagsimula sa panahon ng pananakop ng Kastila. Ang anyo nito ay tumatalakay ng mga karanasan ng mga lalaki sa lipunan at ito rin ay inaalay sa mga babaeng kanilang napupusuan.

Ayon kay Tolentino, ang dagli ay nagkaroon ng transpormasyon sa mga taon nagdaan hanggang sa naging anekdota ang tawag dito.

Basahin ang ilang mga halimbawa mula sa Juan Bautista Stories blog:

“PROPOSAL FAIL”

“You’re proposing without a ring?” nakatingin ang mga kaibigan kay Toti at sa nobya nitong si Marie. Nakaabang ang lahat sa mga susunod na mangyayari.
Nagtatakang niyuko ni Toti ang singsing sa kanyang palad habang nakaluhod. At muli niyang tiningala ang nobya.
“Alam ko singsing yan. Pero bakit walang bato?”
Katahimikan.
“Hindi naman sa ano, pero lagi ka kasing nagmamadali Toti. Magsi-six years pa lang tayo. Ang buong akala ko naman e nag-iipon ka kaya sobrang tipid mo.”
“Pasensya ka na, Marie.”
“Then I’m sorry too. It’s a no.”
Makalipas ang tatlong araw.
“Kuneng, kamusta na ang kaibigan mo? Malungkot ba?” si Marie.
“Hindi naman ayos lang siya. Bakit?”
“E kasi nga napahiya siya nung Sabado ‘di ba? Para namang wala ka ron.”
“A. Ayos lang si Toti. Mamaya pupunta ko ron tutulungan ko siyang mag-ayos.”
“Mag-ayos?”
“Oo. Tapos na kasi yung pinagawa niyang bahay.”
“Bumili siya ng bahay namin?”
“Bahay niya lang. Feelingerang ‘to.”

“HACIENDA”

“Miguel Anak, tingnan mo ang buong paligid.” ang nakangiting paanyaya ni Ruben sa anak na lalaki.
“Napakaganda po.” Tumingala si Miguel sa amang si Ruben habang nakatayo ang mag-ama sa tuktok ng burol.
“Tama ka. At tingnan mo nang maigi ang buong lupain anak. Ito ang tatandaan mo, magmula ngayon, ang buong lupain na ito, hanggang sa kung saan ang marating ng mga mata mo – “
Sabik na muling tumingin si Miguel sa ama.
“Diyan ka magtatrabaho.”
At iniabot ni Ruben ang kanyang regalo para sa ika-sampung taong kaarawan ng anak. Ang kanyang bagong salakot at itak.

Isang mabilisang kwento na isinulat ni Salvador R. Barros:

Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinakakaiba.
Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.
Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.
At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.