Ano ang pormal na edukasyon? Ito ang mga dapat mong malaman.
PORMAL NA EDUKASYON – Ano ang mga uri ng edukasyon sa Pilipinas at ano ang ibig sabihin ng pormal na edukasyon na dapat mong malaman.
Ang edukasyon ang isang natatanging bagay na maaring ibigay at ituro sa isang tao na kailanman ay hindi maaring manakaw ng kahit ninuman. Ang pagkakaroon din ng isang mataas at matatag na eodukasyon ay maaring mapabago ang takbo ng isang lipunan upang tumungo sa pagkakaroon ng ekonomiya na masagana.
Ang karunungang ng isang tao ay hindi kukupas at lilipas. Ang mga karunungang ito ang magsisilbing tulay upang maging matagumpay.
May edukasyon na praktikal na hindi matutunan sa mga paaralan at unibersidad. Subalit, ang pag-aaral sa mga institusyon ay isang importanteng elemento upang mas mapaibayo ang kaalaman ng isang tao. Una tayong natuto sa bahay.
Natututo rin tayo sa pakikisalamuha sa ibang tao at natututo tayo sa ating mga pagkakamali. Ang edukasyon ay magiging mas matibay kapag pinagsama ang mga natutunan sa buhay at mga natutunan sa paaralan katulad ng Mathematics, Science, English at mga iba pang bagay na mas makakapagpaayos ng buhay ng isang tao.
Sa Pilipinas, ang edukasyon ay may mga uri – pormal, impormal, at di-pormal.
At sa araling ito, tatalakayin natin kung ano ang edukasyong pormal. Ang pormal na edukasyon ay uri ng pagkatuto na nangyayari sa isang tradisyunal na paaralan o silid-aralan – mula elementarya, sekondarya, kolehiyo, at higit pa. Ang mga karanasan at mga kaalaman na ito ay ibinibigay ng mga propesyunal na guro. Ang mga sertipikong kurso na makukuha mula sa paaralan ay kinikilala.
Ang mga halimbawa ng mga edukasyong pormal ay pagtuturo sa silid-aralan, pagsasanay na nakabatay sa web, mga malalayong lab, mga kurso sa e-learning, mga workshop, seminar, webinar, at marami pang iba. Ito ay isang sistematikong anyo upang matuto na may isang tiyak na pamantayan.
Nagbibigay ang ganitong uri ng edukasyon ng degree at mga sertipiko.
Ito ang mga ilang bagay na hindi kanai-nais dito:
- Nakakainip ang mga sesyon ng akademiko.
- Nase-stress ang mga estudyante dahil sa mga pagsusulit at mga marka.
- Ito ay magastos.
READ ALSO:
- Sentence Outline – What Is A Sentence Outline, Here’s An Example
- Topic Outline – What Is Topic Outline and Here’s An Example
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.