Pantangi at Pambalana Kahulugan, Halimbawa Sa Pangungusap

Ano ang pantangi at pambalana at mga halimbawa sa pangungusap.

PANTANGI AT PAMBALANA – Ano ang mga pangngalang pantangi at pambalana at ang mga halimbawa nito sa pangungusap.

Ang mga uri ng pangngalan ay Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana. Ang pangngalan o noun ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at marami pang iba. 

Pantangi at Pambalana

Pangngalang Pantangi ang tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari at ginagamitan ito ng malaking titik sa simula. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

  • Mongol
  • Hermes
  • Nike
  • Gucci
  • Channel
  • Chow-chow
  • Shi Tzu
  • Pug
  • Lucena City
  • SM Mall of Asia
  • Manila
  • Laguna
  • Rizal Park
  • Luneta
  • Quezon
  • Laguna
  • Cavite

Ito ang ilan sa mga halimbawa sa pangungusap:

  • Marami kaming alagang Shi Tzu sa bahay.
  • Pinapatawag ako ni Mrs. Castro tungkol sa nangyari kahapon sa school grounds.
  • Papunta ako ng Cavite ngayon upang bisitahin ang aking lola.

Ang Pangngalang Pambalana naman ay tumutukoy sa mga ngalang di tiyak o para pangkalahatan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

  • bag
  • aklat
  • lamesa
  • kahon
  • bote
  • guro
  • doktor
  • babae
  • lalaki
  • mag-aaral
  • pulis
  • magsasaka
  • lolo
  • lola
  • ate
  • kuya
  • tiya
  • tiyo
  • nars
  • magsasaka
  • lapis

Ito ang ilan sa mga halimbawa sa pangungusap:

  • Hindi ko siya kilala pero siya ay isang nars sa ospital na nasa kabilang bayan.
  • Anong mall kaya ang magandang pasyalan sa Linggo?
  • Marami akong aklat sa bahay, ano ba ang nais mong basahin?

Paghahambing sa pangngalang pantangi at pangngalang pambalana:

PANTANGIPAMBALANA
IvanTao
Mongol PencilBagay
Golden RetrieverHayop
Negros OccidentalPook
Masskara FestivalPangyayari

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment