Here are some of the famous and notable works of Deogracias Rosario, the father of the Tagalog short story.
DEOGRACIAS ROSARIO WORKS – These are some of the famous and notable works of “Father of the Tagalog Short Story” Deogracias Rosario.
Dubbed as the “Father of the Tagalog Short Story” or “Ama ng Maikling Kathang Tagalog” is Deogracias Rosario. In his career, he was able to write over 80 short stories, two novels, two series novels, and numerous essays, articles, and poems. His works molded the writing of short stories in the country.
He wrote under the pen names of Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario, and Rosalino.
Here are some of his works:
- Dahil sa Pag-ibig
- Ang Anak ng Kanyang Asawa
- Ang Manika ni Takeo
- Walang Panginoon
- Dalawang Larawan
- Ang Geisha
- Bulaklak ng Inyong Panahon
- Mga Rodolfo Valentino
- Aloha
- Ako’y Mayroong Isang Ibon
- Greta Garbo
- Ang Mapaghimagsik
- Ang Babaing Nakadominong Itim
Here’s a summary of his short story entitled “Walang Panginoon”:
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos.
Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita ay anak naman ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan.
Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana.
Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan.
Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siyang paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon.
Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, hulingaraw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.
READ ALSO:
- Melchor F Cichon Biography – Life Story Of Aklanon Librarian
- Steven Prince Patrick Fernandez Biography – Life Story Of The Writer
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.