Katangian Ng Epiko – Ano Ang Kailangang Taglayin Ng Isang Epiko?

Ito ang anim na katangian ng epiko ayon kay Rufino Alejandro.

KATANGIAN NG EPIKO – Ayon sa aklat na ang “Ang Ating Panitikan,1978” ni Rufino Alejandro, ito ang anim na katangian ng isang epiko.

Ang epiko ay isang mayamang anyo ng panitikan na nauuri ayon sa iba’t-ibang grupong etniko. Ang mga salaysay na patula ay tumatalakay ng kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan na may katangiang nakahihigit sa karaniwang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani-paniwala. Ang mga pangyayari rin ay imposibleng mangyari sa totoong buhay.

Katangian Ng Epiko

Ito ang ilan sa mga sikat na epiko ng Pilipinas

  • Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)
  • Hudhud (Epiko ng Ifugao)
  • Ibalon (Epiko ng Bicol)
  • Kudaman (Epiko ng Palawan)
  • Manimimbin (Epiko ng Palawan)
  • Ullalim (Epiko ng Kalinga)
  • Hinilawod (Epiko ng Panay)
  • Humadapnon (Epiko ng Panay)
  • Labaw Donggon (Epiko ng Bisayas)
  • Maragtas (Epiko ng Bisayas)
  • Bantugan (Epiko ng Mindanao)
  • Darangan (Epiko ng Maranao)
  • Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao)
  • Agyu (Epiko ng Mindanao)
  • Bidasari (Epiko ng Mindanao)
  • Olaging (Epiko ng Bukidnon)
  • Sandayo (Epiko ng Zamboanga)
  • Tudbulul (Epiko ng Mindanao)
  • Tuwaang (Epiko ng Mindanao)
  • Ulahingan (Epiko ng Mindanao)
  • Ulod (Epiko ng Mindanao)

At ang isang epiko ay mayroon ng mga katangian ito ayon sa aklat ni Rufino Alejandro na tinatawag na “Ang Ating Panitikan, 1978”:

  1. Panawagan o narrative address
    – ang pagsasalaysay ng istorya
  2. Tunggalian o conflict
    – ang bida o bayani ang nakikipagtunggali at siya lamang ang makakalutas ng problema
  3. Kalagitnaang aksiyon o middle action
    – mga istorya na nagsisimula sa aksiyon
  4. Balik-tanaw o flashback
    – ang pag-alala ng nakaraan para sa mga detalye na nasa gitna ng epiko
  5. Pag-uulit o repetition
    – para mas matandaan ang mga mahahalagang detalye
  6. Koda ng pagtanggap
    – ang bida ay tinatanggap ng ibang lupain

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment