Tudbulul Epiko Ng Mindanao – Buod Ng Epiko Ni Tudbulul

Ang buod ng Tudbulul Epiko Ng Mindanao; Ang Epiko ng mga T’boli.

TUDBULUL EPIKO NG MINDANAO – Ito ang buod ng Epiko ni Tudbulul, isang sikat na epikong bayan ng Mindanao na nagkaroon ng maraming pagsasalin.

Ang epiko ay isang sinaunang salaysay na patula sa Pilipinas na mahaba. Ang pinakaunang epiko na naitala ay ang “Biag Ni Lam-Ang” ng mga Ilokano. Marami uri ang epiko at ilang sa mga sikat na epiko ay ang mga Hudhúd ng mga Ifugaw, Ullálim ng mga Kalinga, Hiniláwod ng mga Sulod, Tuwáang ng mga Bagobo, Gúman ng mga Subanun, Agyú ng mga Bukidnon.

At isa sa mga ito ay ang Epiko ni Tudbulul.

Tudbulul Epiko Ng Mindanao

Naririto ang buod:

Si Kemokul at Lenkonul ay ang mag-asawang naninirahan sa Lemlunay. Dumaranas sng matinding kahirapan sa kanilang lugar subalit mas nananaig ang kanilang nais na magka-anak. Nanaginip isang gabi si Lenkonul na magkaka-anak sila kapang ngumuya siya ng nganga na galing sa Mohin Lubon, ang lugar ng diwata.

Pumunta si Kemokul sa nasabing lugar at doon ay nakilala niya ang diwatang galit na galit dahil sa kanyang pagpunta doon. Bawal ang sinuman na pumunta doon. Nagmakaawa si Kemokul na bigyan sila ng nganga kapalit ang natatanging kayamanan na hawak nila. Pumayag ang diwata pero sa isang kondisyon, kapag babae ang bata ay mapupunta raw sa mag-asawa ngunit kapag ito ay lalaki ay magiging kaniya. Sumang-ayon si Kemokul sa kondisyon.

Nagsilang ng malusog na sanggol na lalaki si Lenkonul. Hindi tumupad ang mag-asawa sa kondisyon na ikinagalit ng diwata. Sa kanyang galit ay pwersahan niyang kinuha ang batang lalaki mula sa mga magulang nito. Ngunit ng lumaki si Tudbulul, may isang malagim na plano pala ang diwata sa kanya kasabwat ang mangkukulam na si “Wogung”.

Narinig ng may-ari ng buwan na si Selel ang planong pagpatay sa bata kung kaya’t ito ay nag-anyong ibong “Duyung” at nagpakita kay Tudbulul. Ipinaalam niya ang lahat ng katotohanan sa bata pati na rin ang katotohanan na siya ay anak nina Lemkonul at Kemokul.

Sinabi ng ibon sa kanya kung paano siya makakaalis doon at kung papaano niya mapapatay ang diwata na may masamang balak sa kanya. Nakipagsapalaran siya at tumungo sa Mugul at Longit Setang kung saan siya nakapag-asawa. Sinunod niya bawat salita na sinasabi ng ibon sa kanya. Sa kabilang dako, nanganak naman ng siyam na babae ang kanyang mga magulang.

Nahanap siya ng isa niyang kapatid at dahil doon ay nakilala niya ang kanyang mga tunay na magulang. Lahat sila ay sabik na makapiling si Tudbulul.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment