Ano ang mga katangian ng komiks? Ito ang sagot!
KATANGIAN NG KOMIKS – Ang isang komiks ay nagtataglay ng iba’t ibang katangian at ito ang mga katangian tinutukoy.
Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ginagamit ang mga salita at larawan para maghatid ng kwento, ideya, o mensahe. Ito ay maaring maglaman ng konti o walang salita dahil ang nais iparating ay maari ng makita sa larawan. Binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan.
Ito ang ilan sa mga katangian ng isang komiks:
- nakalilibang
- nakakatuwa
- nakaka-aliw
- naglalarawan o naghahambing ng mga pangyayari, salaysay, o kuwento
- maaring makulay o black and white
- gumagamit ng mga ulap o speech bubbles at dito nakapaloob ang mga salita at dayalogo
- mayroong illustration guide para mas maunawaan pa ng mga mambabasa
Ang isang komiks ay nahahati rin sa ilang bahagi – kahon ng salaysay (kung saan makikita ang maikling salaysay), pamagat, lobo ng usapan, kwadrado, at larawang guhit ng mga tauhan ng kwento.
Ito ang ilan sa mga pinakatanyag na komikssa bansa:
- Beerkada by Lyndon Gregorio (1998-present)
- Kikomachine/Hardcore by Manix Abrera (2000-present)
- Baltic & Co. by Roni Santiago
- Kalabog en Bosyo by Larry Alcala
- Ikabod by Nonoy Marcelo (1978-2002)
- Pupung by Tonton Young (1983-present)
- Guyito by Jess Abrera
- Polgas by Pol Medina, Jr.
- Larry Alcala the character by Larry Alcala
- Kenkoy by Tony Velasquez (1929-1960s)
Bukod sa aliw at kasiyahan, ang isang komiks ay maari rin na makapagbigay ng mga aral sa mambabasa depende sa kung paanong paraan ito nais iparating ng gumagawa at sumusulat. At sa paggamit ng komiks, posible rin na mas madaling maunawaan ang isang bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga imahe at mga larawan.
READ ALSO:
- Importance Of Studying Menstrual Cycle – Why Studying Cycle Is Important
- Kesz Valdez Biography – An International Children’s Peace Prize Awardee
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.