Mga Katutubo Sa Cordillera – Mga Pangkat Na Matatagpuan Sa Cordillera

Mga pangkat ng mga katutubo sa Cordillera matatagpuan.

MGA KATUTUBO SA CORDILLERA – Ang iba’t ibang mga pangkat ng mga katutubo na maari mong makita sa Cordillera.

Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 220 na nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Hulyo 15, 1987, ang tinatawag na mga “Lalawigang Bulubundukin sa Kabundukang Cordillera” ay naging Cordillera Administrative Region. Binubuo ito ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao, at Abra. Ang Benguet ang kabisera ng CAR.

Mga Katutubo Sa Cordillera

Nasa Benguet ang tinaguriang Summer Capital of the Philippines – ang Baguio, at ang La Trinidad, ang sentro ng industriya ng rehiyon. Malakas ang turismo sa rehiyong ito at dito rin matatagpuan ang Banaue Rice Terraces, isa sa mga deklaradong UNESCO World Heritage Site. Ilan sa mga lugar na idinadayo ng mga turista ay Yungib Sumaguing ng Sagada at ang mga yungib ng mummies sa Benguet at Mt. Povince.

Ang Panagbênga o Baguio Flower Festival tuwing Pebrero ay isa rin sa mga idinadayo ng mga tao mula sa iabgn lugar at mga turista galing sa ibang bansa. Ang ilan rin sa mga pinakamagagandang lugar na dito lamang makikita ay Philippine Military Academy, Good Shepherd Convent, Burnham Park, Diplomat Hotel, Mines View Park, Strawberry Farm, Our lady Of Lourdes Grotto, Session Road, The Mansion, Laperal White House, Valley Of Colors, Camp John Hay, at marami pang iba.

Ito ang ilan sa mga pangkat katutubo na makikita sa Cordillera:

  • Ibaloy (Benguet)
  • Kankanaey (Mountain Province at ilang bahagi ng Benguet)
  • Isneg (Apayao)
  • Tinggian (Abra)
  • Ifugaw (Ifugao)
  • Kalinga (Kalinga)
  • Igorot
  • Bontok
  • Ivatan
  • Gaddang

Sa kabilang dako, ang Panitikang Cordillera ay nahahati sa dalawa – pangritawal (mga awit at epiko) o di-pangritwal (ginagamit sa mga pagdiriwang at mga gawaing panlibang).  

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment