Mga Nobelang Pilipino – Mga Halimbawa Ng Mga Nobelang Pilipino

Ito ang ilan sa mga nobelang Pilipino at ang mga sumulat ng mga nobelang ito.

MGA NOBELANG PILIPINO – Ang ilan sa mga nobelang Pilipino na tumatak sa literatura ng Pilipinas at mga manunulat ng mga ito.

Ang nobela ay isang uring ng sulat sa panitikan naglalaman ng mga mahahabang kwento ng piksiyon ay binubuo ng maraming kabanata. Naglalahad ito ng mga pangyayari na inihabi mula sa totoong pangyayari at ibinalangkas upang makagawa ng isang kwento na ibinalangkas sa masining na paraan. Ang isang nobela ay mayroong banghay, damdamin, pamamaraan, pananalita, pananaw, simbolismo, tagpuan, tauhan, at tema.

Mga Nobelang Pilipino

Mga Uri ng Nobela:

  • Nobela ng Kasaysayan
  • Nobela ng Pagbabago
  • Nobela ng Pag – ibig o Romansa
  • Nobela ng Pangyayari
  • Nobelang Panlipunan
  • Nobela ng Tauhan

Ito ang ilang halimbawa ng nobela:

  1. Canal De La Reina ni Liwayway A. Arceo
    – may 30 kabanata kung saan ang storya ay sumasalamin ng mga totoong kaganapan sa ating lipunan
  2. Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
    – naisulat noong 1969 at ito ay tungkol sa pagbabago at paghangad ng pag-angat ng kalayaang lipunan
  3. Madaling Araw ni Inigo Ed Regalado
    – tungkol sa masalimuot na kaganapan ng pag-aaklas ng mga manggagawa at paghihimagsik
  4. Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
    – nailathala noong 1906 at tinaguriang “bibliya” ng mga manggagawang Pilipino
  5. Lalaki Sa Dilim ni Benjamin Pascual
    – istorya ni Rafael at Ligaya at kung paano nila nabago ang buhay ng bawat isa at kung paano ang kanilang pagkakaisa ay nagdulot ng kabutihan
  6. Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
    – una itong nabasa sa Liwayway Magazine kung saan ang mga tauhan ay sinasalamin ang buhay ng mga taong galing sa probinsiya na nakikipag-sapalaran sa Maynila
  7. Dugo Sa bukang Liwayway ni Rogelio Sikat
    – ito ang storya na nabuo ng manunulat mula sa kinamulatan niyang daigdig
  8. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar
    – ang storyang ito ay may temang pag-ibig at nagsasalaysay ng mga makatotohanang pagsusuri sa lipunang Pilipino noong unang panahon
  9. Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
    – isang istorya ng pagdurusa, pagpapatunay sa katotohanan, at pagkakaroon ng pag-asa

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment